NAIPANALO ni Filipino Grandmaster-elect Paulo Bersamina ang huling dalawang laro para idagdag sa listahan ng kanyang tagumpay ang blitz competition ng 4th Asean Chess Championships (Men) na ginanap sa Bac Giang City, Vietnam nitong Linggo.

TATLONG SIKAT! Nagpamalas ng lakas at Pinoy chess players na sina WGM Janelle Mae Frayna, GM elect Paulo Bersamina at IM elect Jerad Docena sa Asian tournament.

TATLONG SIKAT! Nagpamalas ng lakas at Pinoy chess players na sina WGM Janelle Mae Frayna, GM elect Paulo Bersamina at IM elect Jerad Docena sa Asian tournament.

Si Bersamina na pambato ni National Chess Federation of the Philippines chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr.ay nakaipon ng 7.5 points para magkampeon sa nine-round blitz chess tournament.

Dating top gunner ng National University chess team under kay sportsman Samson Go, sariwa pa ang pagkopo niya ng korona ng standard competition sapat para makuha din ang kanyang third at final GM norm.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakapagtala si Bersamina ng seven points out of the possible nine para maghari sa standard tournament (Men).

Sa pagkopo ni Bersamina ng kanyang third GM result subalit kinakailangan niyang mapataas ang Fide rating 2455 sa 2500 para kumpleto ang kanyang GM title status ayon kay Fide arbiter Red Dumuk na siya ding deputy secretary-general at executive director ng National Chess Federation of the Philippines.

Nakamit ni Bersamina ang kanyang first GM norm noong 2014 sa Macao (Asean + Age Group) habang naiuwi niya naman ang second GM result nitong 2018 sa Davao City (Asean + Age group).

Samantala, nakapag-uwi din ng karangalan sina International Master elect Jerad Docena na former student ng De La Salle University Taft-Manila at Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, former standout ng Far Eastern University na nakopo ang silver medal sa Men’s at Women’s rapid Asean Chess Championship ayon sa pagkakasunod.

Ang kampanya ng Filipino sa Vietnam ay suportado ng Philippine Sports Commission bilang bahagi sa preparation ng pambansang koponan sa 30th Southeast Asian Games schedule sa November 30 hanggang December 11.