gymnast

ISA pang gymnast – sa katauhan ni Breanna Labadan – ang nagpamalas ng kahusayan sa international stage nang makamit ang gintong medalya sa Individual All Around ng RG and Friends Masters 2019 kamakailan sa Denmark. Tinanggap ng 16-anyos na si Labadan – nasa pangangalaga nina coach Dóra Vass, coach/judge Efren Torres at coach/nutritionist  Jeaneth Aro – ang medalya sa awarding ceremony. Kamakailan,  tinanghal na world champion ang Olympic-bound na si Carlos Yulo nang magwagi sa floor exercise ng World Championship. Inaasahang magbibida ang dalawa sa kampanya ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.
National

#WalangPasok: Class suspensions sa Lunes, July 13