
ISA pang gymnast – sa katauhan ni Breanna Labadan – ang nagpamalas ng kahusayan sa international stage nang makamit ang gintong medalya sa Individual All Around ng RG and Friends Masters 2019 kamakailan sa Denmark. Tinanggap ng 16-anyos na si Labadan – nasa pangangalaga nina coach Dóra Vass, coach/judge Efren Torres at coach/nutritionist Jeaneth Aro – ang medalya sa awarding ceremony. Kamakailan, tinanghal na world champion ang Olympic-bound na si Carlos Yulo nang magwagi sa floor exercise ng World Championship. Inaasahang magbibida ang dalawa sa kampanya ng Team Philippines sa 30
th Southeast Asian Games sa Nobyembre.
‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026