LOS ANGELES – Masakit man ang katotohanan, kailangan ni coach/nutritionist Jeaneth Aro na pansamantalang iwanan si Filipino world boxing champion Jerwin Ancajas sa paghahanda nito sa naudlot na pagdepensa sa korona.

Nakatakdang magbalik bayan si Aro upang gabayan ang iba pang atleta (alaga) na naghahanda sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kasama si Aro sa Team Ancajas na dumating sa Los Angeles para sa paghahanda ng Pinoy champion sa ikawalong pagdepensa sa International Boxing Federation super-flyweight crown, ngunit hindi ito natuloy at naurong sa Disyembre 7 matapos magkaproblema sa dokumento ang karibal niyang si Jonathan Rodriguez ng Mexico.

“I have to be there (Manila) to supervise the diet of (Rio Olympics silver medalist) Hidilyn Diaz and the national amateur boxing team,” pahayag ni Aro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod dito, binabantayan din niya ang dietary requirements ng ilang PBA players, gayundin ng iban pang National Team member tulad ni gymnast sBreanna Labadan, kamakailan lamang ay nagwagi sa international tournament.

Sa kabila nito, sinabi ni Aro na nagiwan siya ng programa sa team Ancajas at regular ding bibigyan ng pointers si Ancajas na posibleng mailaban kay Miguel Gonzalez ng Chile.

-Nick Giongco