HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nakabalik na ng Pilipinas ang pamilya Atayde sa pangunguna nina Papa Art, Ria, Gela, Xavi at Sylvia Sanchez galing ng Seoul, Korea kung saan sila nagbakasyon ng limang araw.

ATAYDE

Hindi naman sumama si Arjo sa bakasyon ng pamilya niya dahil naniniwala siya na hindi magandang magdiwang ng kanyang ika- 29th birthday.

“Sabi kasi unlucky daw po to celebrate my birthday kapag may 9 (numero), e, 29 na po ako sa November 5. Narinig ko na po, hindi lang mawala sa utak ko, sa bahay na lang ako,” katwiran ng aktor ng maka-tsikahan namin kamakailan.

'Di wag kang manood!' Anne Curtis tinalakan basher ng bagong movie niya

Hirit namin kung mg-stay lang siya sa bahay nila, “yes, as of now yes, “tumatawang sagot ng binata, sabi ulit, “Unless pag tinopak ako.”

Taun-taon ay nagbabakasyon sa ibang bansa ang pamilya Atayde tuwing sasapit ang Undas para makapag-relax at bonding moment na rin nila.

Alam naman ng lahat na sagaran ang tapings ni Ibyang ng teleseryeng Pamilya Ko kaya hindi niya masyadong nakakasama ang mga anak na abala sa pag-aaral tulad nina Gela at Xavi, samantalang si Ria naman ay naging abala rin sa tapings niya ng Parasite Island na napapanood tuwing Linggo.

“Ito lang ang mga panahong makakasama ko ang pamilya ko, kasi pareho kami ni Art na busy sa work. Kaya bumabawi kami sa isa’t isa,”saad ng lead actress ng teleseryeng Pamilya Ko na napapanood sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol.

Sumakto ang titulong Pamilya Ko, ang teleserye nina Ibyang, Joey Marquez at Irma Adlawan dahil ito na ang tawag ng una sa kanyang pamilya.

Sa kabilang banda ay masayang-masaya si Sylvia dahil kahit nasa ibang bansa siya ay nakatatanggap siya ng mga positibong comments tungkol sa serye nila na hindi matalu-talo ng katapat na programa pagdating sa ratings game.

-REGGEE BONOAN