HIGIT pa sa isang scarefest ang horror film na Motel Acacia na nagkaroon ng world premiere sa isinasagawang ika-32 na Tokyo International Film Festival sa Japan (TIFFJP) noong Nobyembre 1, Biyernes.
“As the creatures and monsters in Motel Acacia strike terror in our minds, it is the actions of humans that terrify me. This film seeks to understand our own apathy towards man’s cruelty in today’s society,” paliwanag ng director na si Bradley Liew.
Dagdag pa ng Malaysian-born filmmaker na based sa bansa, “It is about the scars of colonialism in Southeast Asia and how it facilitates the vicious cycle of violence. It’s about a young man’s search for truth and the affirmation that there is good inside us all, no matter how dark the times are.”
Nagpapasalamat ang award-winning producer na si Bianca Balbuena na asawa ni Liew, na nabigyan sila ng pagkakataong i-showcase ang pelikula nila sa TIFFJP platform at sa global audience.
“We found a good place to launch ‘Motel Acacia’ here and we hope to get a good response also,” saad ng 2018 Asian Film Commissions Network (AFCNet) Producer of the Year.
Nakilala si Balbuena sa ilan sa mga pelikulang gaya ng Clash (Engkwentro) ni Pepe Diokno, A Lullaby to the Sorrowful Mystery (Hele sa Hiwagang Hapis) ni Lav Diaz, at Season of the Devil (Ang Panahon ng Halimaw).
“Yoshihiko Yatabe at Kenji Ishizaka, the head programmers, have been our good supporters. And even if we submitted late, they watched the film with great interest and wrote personal messages to us on how they love the film,” sabi pa nito.
Kabilang ang Motel Acacia sa walong pelikula sa Asian Future section para sa up-and-coming directors na may maximum na tatlong feature-length films.
Ang pelikula ay tungkol sa isang lalaki na ginagampanan ni JC Santos na hinarap ang isang demonyo. Namamalagi ang masamang espiritu sa isang motel na ipinasa sa kanya ng tatay niya. Bahagi si Santos ng isang multinational crew at cast kasama ang mga actor na sina Jan Bijvoet at Nicholas Saputra.
“Sobrang honored bordering nakakaiyak,” saad ni JC na unang beses mag-represent ng bansa.
Aniya, “Sobrang proud ako na nakakasali ang pelikulang Pinoy sa film festivals tulad nito. Sana ma-experience ito ng lahat ng actors sa bansa natin. Na-validate ulit ‘yung feeling ko na gusto ko talaga itong ginagawa ko.”
Masayang ibinalita rin ni Balbuena na sold out ang second screening ng Motel Acacia sa TIFFJP 2019. Pinuri niya rin ang Picture Tree International at XYZ Films sa pagse-secure nila ng distribution sa ibang mga bansa.
Pagkatapos sa Japan, ipapalabas ang Motel Acacia ngayong Nobyembre sa Taipei Golden Horse Film Festival sa Taiwan. Ito rin ang magiging closing film sa Jogja-NETPAC Asian Film Festival sa Indonesia.
-REGGEE BONOAN