HOT topic ngayon sa showbiz functions ang kilalang aktres dahi l wala na raw ginawa kundi mag-back out sa mga projects na inalok sa kanya.
Naunang nag - back out ang kilalang aktres sa teleseryeng siya mismo ang bida at nakapag-taping na sila. Ayon sa ilang katoto ay napakababaw ng dahilang ibinigay ng bida ng serye.
Ang sumunod na project ay sa ibang bansa kukunan o nakapag-first day shoot na ang kilalang aktres sa bandang Europa pero pagbalik ng Pilipinas ay nabago ang katwiran ng aktres.
Hindi pa alam ng guwapong leading man ng kilalang aktres ang biglaang pag-resign ng niya.
“Baka kasi pinahinto na siya sa showbiz ng super rich niyang boyfriend na heto kaliwa’t kanan na naman ang offers sa kanya.
-Reggee Bonoan