SA ika-10 taon ng Christmas Village, muli itong maghahatid ng kasiyahan sa mga residente at turista, lalong-lalo na mga kabataan. Tampok ngayong taon bilang tema ng disenyo, ang sikat na pelikula mula sa Avengers at Game of Thrones, na makakasalamuha mo sa loob ng village.

Gaya ng nakaugalian ng Baguio Country Club, kung saan ang proyekto ay ideya ng mga empleyado para makadagdag ng atraksyon tuwing Christmas season, 90 porsiyento ng ginamit dito ay eco-friendly environment materials.
Ayon BCC Communication Officer Andrew Pinero, hindi mawawala ang kinasasabikan ng mga bata, ang artificial snow na ngayon ay dinagdagan pa upang lalo pang mag-enjoy ang mga bisita at ang 100 percent na Christmas trees na gawa sa recycled plastic bottle.” Bawat taon ay iba-iba ang theme ng village, upang ganahan ang ating mga bisita.”
Bukod sa mga character heroes at Santa Claus, ay mapapanood gabi-gabi ang stage play ng kapanganakan ni Jesukrito.

“ We make sure na maeenjoy din ng mga bisita sa mga food concessioner na inilagay namin sa loob ng village at naglagay din ng mas maraming chair para sa ating mga senior citizen at PWD’s,” pahayag pa ni Pinero.
Ang Christmas Village, na magtatapos sa Enero 6, 2020, ay bukas sa publiko mula alas 5:00 ng hanggang alas 10:00 ng gabi. May entrance fee na P120 adults, P50 children, P80 sa mga senior citizen, samantalang libre naman ang mga Persons with disabilities (PWD); batang 3 taon gulang pababa at isa sa bawat grupo ng 10.
-Sinulat at larawang kuha ni Rizaldy Comanda