Matagalnang hinihintay ng fans ng Korean dramas sa GMA Heart of Asia ang pagpapalabas sa GMA ng pinag-uusapang serye na Sky Castle. Iyong mga nakapanood na nito sa original Korean version ay nagsasabing tiyak na maraming makaka-relate dito dahil parang istoryang Pinoy din. Most talked about Koreanovela of 2019, ang Sky Castle ay runaway winner sa Korea’s 55th Baeksang Awards at highest rating drama in Korean cable TV history.

Sky Castle Pinoy adaptation

Limang mahuhusay na Kapuso actresses ang magiging boses ng limang housewives na nakatira sa luxurious residential area na tinawag na ‘Sky Castle’ sa Seoul, Korea.

Boses ni Lotlot de Leon ang gagamitin ni Sarah Han, married sa isang orthopedic surgeon, may dalawang anak na babae. Akala mo lamang maligaya siya pero may itinatago siyang nakaraan na pilit niyang gustong takasan.

Tsika at Intriga

Bianca nagpaantig engkuwentro sa delivery rider: 'A little patience goes a long way!'

Si Angelu de Leon naman ay si Arleen Lee, a writer of children’s books. Mabait siya at considerate sa mga taong nakakasalamuha niya. Isang neurosurgeon ang asawa niya.

Si Chynna Ortaleza ay si Geleen No, married sa isang law professor, dalawa ang anak nilang lalaki. Justice and happiness ang laging sinasabi ng asawa niya pero mayroon pala siyang extreme egoism

Si Angelika dela Cruz ay si Ginny Jin, mayaman pero gusto niyang gayahin lahat ng ginagawa ni Sarah. Kasal din siya sa isang orthopedic surgeon.

Si Sunshine Dizon ay si Julie Kim, Korea’s most sought-after tutor. Istrikto at mataas ang standard niya sa pagpili ng mga kliyente niya.

Pawang mga mayayaman, bawat wife ay gustong lalong maging successful ang kanilang mga asawa at gawing parang mga prinsesa at prinsipe ang mga anak nila. Pero paano nang may dumating na isang trahedya sa Castle community?

Mapapanood na ang mga story ng bawat family sa Sky Castle, simula sa November 4, Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

-Nora V. Calderon