HINDI matatawaran ang galing ng Pinoy kahit na sa mapanganib na sports gaya ng motocross.

YOUTH CHAMP! Ang magkapatid na sina Quiana at Wenson Reyes ng motocross.

YOUTH CHAMP! Ang magkapatid na sina Quiana at Wenson Reyes ng motocross.

At buhay na patotoo ang magkapatid na sina Quiana at Wenson Reyes.

Bagama’t kapwa bata pa, patuloy na gumagawa ng pangalan ang magkapatid sa kanilang kampanya sa locam motocross scene.

“Exciting talaga ang motocross kaya gusto namin itong mag-kapatid,” pahayag ng nakatatandang si Quiana sa kanilang pagbisita sa ‘;Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

“Gusto ko ding tularan yun iba pang magagaling na female riders, gaya nina Pua Gabriel at Jasmine Jao,” sambit ng 15-anyos na estudyante ng St. Paul’s College-Bulacan.

Gayunman, prioridad pa rin ng magkapatid ang kanilang pag-aaral bilang pag-sunod na din sa payo ng kanilang mga magulang.

“Pag weekdays, kailangan puro aral pa din. Pag weekend, motocross naman,” pahayag ni Wenson, mahusay na sa 85cc division kahit pa 13 taon gulang pa lamang.

“Tuloy tuloy ang ensayo namin para maabot ang pangarap,” saad pa ng magkapatid, na sinamahan sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Community Basketball Association at HG Guyabano Drinks ng kanilang mga magulang.

Ang magkapatid na Reyes ay nakatakdang lumahok bilang pambato ng bansa sa darating na NAMSSA National Motocross Championship sa Speedworld Motocross Circuit sa SM Bicutan sa Nov. 10.

Sasabak din sila sa FIM Asia Supercross Championship sa Nov. 24 sa parehong lugar.