SINASABING ang inibig natin Pilipinas ang tanging bansang kristiyano sa Silangan. Natatangi rin sa pagkakaroon ng maraming kapistahan at tradisyong ginugunita, ipinagdiriwang, binibigyang-buhay at pagppahalaga.
Palibhasa’y isang bansang nahasikan ng binhi ng kristiyanismo, natanim at nag-ugat na sa buhay at kultura ang mga pamanang tradisyon na naiwan ng mga misyonerong Kastila. Bagamat may ilan tayong mga kababayan na nawala at naglaho ang kanilang sense of culture ang history, ang marami nating lababayan ay patuloy na nagpapahalaga at nagmamalasakit sa namanang tradisyon at kultura.
Kabilang dito ang dalawang tradisyon . Ang paggunita at pagdiriwang ng Todos los Santos o All Saints’ Day at All Souls’Day tuwing sumasapit ang una at ikalawang araw ng Nobyembre. Sa liturgical calendar ng Simbahan, Ang Araw ng mga Banal at ang Araw ng mga Kaluluwa na iniuukol sa paggunita sa mga namayapa nating mahal sa buhay.
At bilang tanda ng ating pagmamahal sa alaala ng mga yimao nating mahal sa buhay, tuwing sasapit ang unang araw ng Nobyembre na kilala rin sa tawag na “Undas” Sa mga lalawigan, ang mga naulilang kamag-anak ng mga yumao ay nagtuutngo sa iba’t ibang libingan, sementeryo at memorial park. Maging anuman ang kalagayan nila sa buhay, may dalang mga bulklak at kandila upang ialay sa panan o ibabaw ng puntod ng namayapang mahal sa buhay Ititirik ang sisindihan ang mga kandila.Kasunod nito ang pag-uukol ng maikling panalangin para sa kaluluwa ng sumakabilng buhay na mga kamag-anak at mahal sa buhay. May mga pamilya naman ng mga yiumao na nagpapamisa tuwing sasapit ang Nobyembtre 2 na sa mga katoliko ay tinatwag na “Araw ng mga Kaliluwa” o All Souls’ Day.
Ayon sa mga taga-Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas at iba pang mamamayan, ang Todos los Santos daw noon ay itinuturing na isang banal na araw ng paggunita sa alaala ng mga namayapang mahaal sa buhay.Tuwing Todos los Santos, tanawin na sa mga sementeryo, mga memorial park ns sng mgs nsulilang miyembro ng pamlya ay tahimik na nagdarasal. Nag-aalay ng mga bulaklak at nagtitirik ng mga kandila sa paanan o ibabaw ng puntod ng namauyapa nilang mahal sa buhay. Talagang iginagalang ang kasagraduhan ng mga libingan.
May nagsasabi naman na kapag ang Todos los Santos ay ginugunita sa natapat sa panahon ng halalan, ang mga sirkero at payaso sa pulitika ay sinasamantala ang pagkakataon na mangampanya. Panay ang kamay sa mga kakilala at kababayan nakita o nasalubong sa sementeryo.
Ang paggunita sa Todos los Santos ay kaaugnay na rin ng pagbuhay sa isang kaugalian. Ito’y ang “pangangaluluwa” o pananapatan (parang caroling) ng pangkat ng mga babae at lalake sa bahay-bahay kung gabi hanggang sa madaling-araw ng Undas o Nobyembre 2.
Sila’y umawit ng mga awitin na may kaugnayan sa mga kaluluwa sa “Purgatoryo”na pinaniniwalaan na lugar na doon “pinupurga” o nililinis ang mga kasalanan ng mga yumaos. Ang paglilinis ay sa pamamagitan ng mga panalangin ng mg naulilang kamag-anak, mahal sa buhay at mga kaibigan.
Ang mga “nangangaluluwa” ay nililimusan ng mga may-ari ng bahay na kanilang tinapatan. Noon, may nagsasabing ang salaping kinita sa “pangangaluliuwa” ay inilalaan o iniuukol ang maliit na bahagi sa pagpapamisa para sa mga ka;uluwa ng mga namayapa. Sa paglipas ng panahon, ang “pangangaluluwa” ay naging isa nang hanapbuhay kapag sumaapit ang Todos los Santos o Undas at Araw ng mga Kaluluwa.
Ang mga inaawit ng mga nangangaluluwa ay tungkol sa kalagayan ng mga kaluluwa sa Pugatoryo, isang lugar na pinaniniwalaan na kinaroroonan ng mga kaluluwa ng mga yumao na hindi napagsisihan ang kanilaang kasalanan bago sila binawian ng buhay.
Ganito ang isang halimbawa ng Awir sa Pangangaluluwa. “Kaluluwa kaming tambing, sa Purgatoryo nanggaling, doon po ang gawa namin, araw-gabi’y manalangin”. Kapag medyo matagal maglimos ang may-ari ng bahay na tinapatan, ganito naman ang bahagi ng awit ng mga nangangaluluwa: “Kung kami po’y lilimusam, dali-dalian po lamang, baka kami’y mapagsarhan ng pinto sa kalangitan”. Kapag nabigyan na ng limos, ganito naman ang inaawit ng mga nangangaluluwa; “Yamang kami’y nalimusan, kami namn po ay paalam’. Lilibutn zng lanangan, siya nawa, amen Hesus”.
Isang napakagandang pagkakataon at panahon na ang Todos los Santos ay daan sa patuloy na ugnayan ng mga nabubuhay at yumao. Kung ito man ay nababatikan ng ilang masamang kaugalian, ang diwa nito ay patuloy na nakatanim sa puso ng mga nagmamahal sa alaala at gunita ng mga namayapang mahal sa buhay.
Habang sila’y payapang “nabubuhay” sa pook na kinahantungan ng kanilang kaluluwa, sila’y patuloy pa ring gugunitain sa dasal, sa mga kandila at bulaklak na sa kanilang mga puntod o libingan ay matapat na iniaalay. Snisindihan at iniilawan ng kanilang mga mahal sa buhay na naulila.
-Clemen Bautista