TIYAK na ang pagbubukas ng Dakak Golf Club – pinakabago at world-class golf course sa Mindanao – sa unang quarter ng 2020 sa pamosong Dakak beach resorts sa Dapitan, Zamboanga del Norte.
Ayon kay Dakak Golf Club president Rick Gibson, binabaha na ang kanyang opisina ng reservations para sa makapaglaro at magsagawa ng torneo sa pamosong world-class golf club.
“Due to unexpected rock formations located on hole number 11, our previously planned Chairman’s Cup event slated for late November will move to a date near the end of the first quarter of 2020, with a final date to be announced at a later time,” pahayag ni Gibson, veteran Asian Tour winner.
“In this past weeks, the Habagat winds have been replaced by Amihan breezes and morning rain showers to help with our newly turfed areas on the ‘Ocean 9’ at Dakak Golf Club. The ‘Ocean 9’ has four holes available for play by our members, guests and staff and comments thus far include scenic and demanding!”, aniya.
Sinimulan ang pagtatayo ng Greg Norman-designed course may limang taon na ang nakalilipas. Nabuo at napaglalaruan na ang front nine sa nakalipas na tatlong taon.
Pito sa siyam na hole sa front nine ay nakaharap sa karagatan. Walang masyadong ginalaw sa istraktura sa kabuuan g course upang mapanatili ang kagandahan ng pagiging natural ng kapaligiran kung saan abot tanaw dito ang pamosong
Dakak Beach Resort, halos 20 minuto ang layo sa Dipolog Airport.
Magagamit ang inayos na Hole No.5 para sa Monthly Medal tournament sa Nobyembre 23 kasama ang Ocen No.9 hole na isinailalaim din sa pagsasaayos ng drainage sa ‘Hillside 9’.
May karagdagang personnel din ang nagsasagawa ng pagsaaayos at pagmintina sa mga course upang masiguro ang kahandaan nito para sa hindi malilimutang karansan sa paglalaro ng golf.
“The Golf Academy and Driving Range opening has been rescheduled to early 2020,” sambit ni Gibson. “Our construction demands on the ‘Ocean 9’ is keeping our personnel and earth moving equipment busy.”
Ang ikalimang Monthly Medal tournament sa November 23 ay kasabay sa pagdiriwang ng araw ng kapanganakan ni Dakak Beach Resort Chairman Emeritus Romeo Jalosjos at Dakak Golf Chairman Cesar Jalosjos.
Nagbigay ang dalawa ng raffle prizes tampok ang 50” flatscreen TV at iba pang high-end home appliances at giveaways.