WASHINGTON (AP) — Hataw si James Harden sa naiskor na 59 puntos, tampok ang isang free throws sa huling 2.4 segundo para sandigan ang Houston Rockets sa 159-158 panalo kontra Washington Wizards nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

PILIT na inaagaw ni Boston Celtics’ guard Kemba Walker ang bola mula kay Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA (AP)

PILIT na inaagaw ni Boston Celtics’ guard Kemba Walker ang bola mula kay Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA (AP)

Nanguna si Bradley Beal sa Washington sa naiskor na 46 puntos, kabilang ang dalawang free throw sa huling 8.1 segundo para maitabla ang iskor sa 158.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 14 puntos, 12 assists at 10 rebounds para sa ikalawang triple-double ngayong season, habang tumipa si Clint Capela ng 21 puntos at 12 rebounds para tulungan ang Houston sa 3-1 karta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matikas ang debut ni Japanese-born player Rui Hachimura sa natalang 23 puntos sa Wizards, habang tumipa si Davis Bertans ng 21 puntos.

“They’re going to do wonderful things together,” pahayag ni Wizards coach Scott Brooks.

BLAZERS 102, THUNDER 99

S a Oklahoma C i t y , nagsalansan si Damian Lillard ng 23 puntos at 13 assists para tulungan ang Portland Trail Blazers laban sa Oklahoma City Thunder.

Kumana si Lillard ng 4 of 15 shots sa unang tatlong quarters, ngunit tumipa ng tatlong 3-pointers sa loob ng 86 segundo sa fourth period.

Nag-ambag s i C . J . McCollum ng 22 puntos, habang tumipia si Kent Bazemore ng 14 puntos.

Nanguna si Chris Paul na may 21 puntos, habang tumipa si Dennis Schroder ng 17 puntos at hataw si Nerlens Noel ng 15 puntos at 14 rebounds para sa Thunder.

Ang laro ay rematch sa nakalipas na first-round playoff series kung saan nagwagi ang Trail Blazers sa limang laro.

Sa iba pang laro, giniba ng Boston Celtics, sa pangunguna ni Kemba Walker na may 32 puntos, ang Milwaukee Bucks 116-105; hataw si Pascal Siakam sa nakubrang 30 puntos, ta umiskor si Fred VanVleet ng 13 puntos at 11 assists sa panalo ng Toronto Raptors kontra Detroit Pistons, 125-113.