TULAD ng inaasahan, kasaysayan ang nilikha ng Ateneo Blue Eagles. At naisakatuparan ito sa dominanteng pamamaran.

Winalis ng defending champion ang 14-game double-elimination sa impresibong 86-64 panalo nitong Miyerkules sa pagtatapos ng unang stage ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament at MOA Arena.

Batay sa ruling, awtoamtiko sa Finals ang Blue Eagles at maghihintay ng kanilang karibal sa best-of-three championship sa kaganapan sa playoff series sa stepladder.

Pinangunahan ni SJ Belangel ang determiandong 19-2 scoring run ng Blue Eagles upang mapalawig ang 25-24 bentahe sa dominanteng 43-27 agwat may 1:18 ang nalalabi sa halftime.

Hindi na nakapalaga ng Maroon s akabuuan ng second half at tuluyang nabaon sa mahigit sa 24 puntos na bentahe bunsod nang matibay na depensa at balanseng atake ng Blue Eagles.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Hataw ang sophomore forward na si Belangel sa naiskor na 14 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists para tulungan ang Ateneo na makalapit sa kampanyang ‘three-peat’ sa premyadong collegiate league sa bansa.

“We understand that this is a significant accomplishment for a baketball team in a season. As you all know, the job isn’t done. This is the season before the season,” pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Nanguna si Ange Kouame sa Ateneo na may 20 puntos, 12 rebounds, limang blocks, dalawang assists, at isang one steal, habang nag-ambag sina Will Navarro ng 13 puntos at 11 puntos kay Thirdy Ravena.

Tinanghal ang Blue Eagles na unang koponan na nakagawa ng elimination sweep sa Final Four era, at una mula nang magawa ng UE noong 2007 season.

Hataw si Kobe Paras sa UP sa naiskor na 13 puntos, pitong rebounds, dalawang assists, at dalawang blocks.

Samantala, naisalpak ni Jamie Malonzo ang pitong triples para sandigan ang La Salle sa 89-63 panalo kontra sa Adamson.

Nagsalansan ang The Fil-Am forward ng career-best 34 puntos para sa kanyang huling paglalaro bilang Green Archer.

Iskor:

(Unang Laro)

DLSU (89) -- Malonzo 34, Baltazar 14, Caracut 14, Bartlett 7, Serrano 7, Hill 5, Melecio 3, Laput 3, Lojera 2, Bates 0, Cu 0, Escandor 0, Lim 0, Manuel 0.

ADU (63) -- Manlapaz 15, Lastimosa 10, Mojica 9, Douanga 6, Ahanmisi 5, Chauca 4, Fermin 4, Sabandal 3, Zaldivar 3, Camacho 2, Yerro 2, Bernardo 0, Capulong 0, Flowers 0, Magbuhos 0, Orquez 0.

Quarterscores: 25-12, 50-29, 68-40, 89-63.

(Ikalawang Laro)

ADMU (86) -- Kouame 20, Belangel 14, Navarro 13, Ravena 11, Go 7, Ma. Nieto 7, Mamuyac 5, Tio 4, Maagdenberg 3, Mi. Nieto 2, Andrade 0, Chiu 0, Daves 0, Mallillin 0, Wong 0.

UP (64) -- Paras 13, Akhuetie 11, Ja. Gomez de Liano 11, Ju. Gomez de Liano 9, Tungcab 5, Jaboneta 4, Rivero 4, Manzo 2, Murrell 2, Webb 2, Mantilla 1, Prado 0, Spencer 0.

Quarterscores: 20-21, 45-32, 65-44, 86-64.