KAHIT binabatikos si Moira dela Torre ng mga taong hindi siya gusto o maintindihan na dahilan kung bakit siya nade-depress minsan ay napapalitan naman ito ng sobrang saya dahil sa kaliwa’t kanang blessings na natanggap niya ngayong 2019 at ang nakakatuwa bago pa magtapos ang taon ay may mga dumating pa.
Tulad nitong katatapos na Himig Handog 2019 na pinanalunan nila ni Daniel Padilla ang titulo para sa awiting Mabagal. In fairness, bagay sa dalawa ang kanta nila dahil pareho talaga silang mabagal kumanta, parehong old soul.
Sabi nga ni Moira, “Sobra akong natuwa. Hindi ko kasi in-expect na makasali ulit ako ng Himig Handog. So to be able to join again at nanalo pa ulit, nakakataba ng puso kasi ‘yung buong process na ‘yun--from recording to shooting the music video to performing. Isa ‘yun sa pinaka na-enjoy kong i-perform.
At heto, nominado siya sa Best Southeast Asian Act category ng MTV EMA 2019 na kasalukuyang nangyayari ngayon sa Seville, Spain.
Say ng singer, “I was stunned and overwhelmed because of the blessings. I thought at one point that my streak of success is coming to an end because of lost opportunities, but soon the blessings started pouring in again. This is the cherry on top—because now even Kapamilyas abroad can show their support,” she said.
Kasama ni Moira sa nominado sina Rich Brian ( Indonesia), Yuna (Malaysia), Jasmine Sokko (Singapore), Jannina Weigel (Thailand) at Suboi ng Vietnam.
Sabi pa, “All of this is just a huge bonus, but I really, really will stand by this that my greatest award is being able to reach out to people through my music.”
Samantala, para makamit ni Moira ang titulong Best Southeast Asian Act ng MTV EMA 2019 ay puwedeng bumoto kahit ilan at mag-log in sa www.mtvema.com/en-asia/vote/. Matatapos ang boto sa November 2, 6:59pm PH time.
-Reggee Bonoan