HINDI maitago ang sayang nararamdaman ng Representative of 3rd District of Manila na si John Marvin Nieto o mas kilala bilang si Yul Servo dahil sa rami ng pelikulang nagawa na niya at nagkamit ng napakaming Best Actor awards ay ngayon lang siya magkakaroon ng pelikulang mapapanood sa HBO Originals.

YUL

Ang titulo ng pelikula ay Food Lore: Island of Dreams na kasama niya sina Ina Feleo at Angeli Bayani mula sa direskyon ni Erik Matti.

Ang pelikulang ito ni Matti para sa HBO-Asia ay tinatalakay ang iba’t ibang cuisine sa Asya. Bilang dagdag, pinamunuan ni Yul ang Flores Para Los Muertos Mural Painting Activity, kaagapay ang Davies Paints Philippines Inc. at Pinto Art Museum kung saan nagpinta ng mural ang higit sa 300 na pintor sa kahabaan ng Manila North Cemetery bilang alay sa mga taong dadagsa ngayong undas para sa kanilang mga minamahal na yumao.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Kuwento ng kongresista sa nakaraang pocket presscon nito sa 1919 Grand Café along Juna Luna Street, Binondo Manila.“Maganda ‘yung pelikula. Dati nakakagawa ako ng pelikula na inilalaban sa ibang bansa. Dito, first time na ‘yung walong bansa nagsama-sama ‘yung kultura at kasama ang tungkol sa pagkain.“Masuwerte ako na napasama ako sa pelikula na ‘yon. Hindi lang siya basta kuwento ng pagkain. Parang experience ko rin sa kinalakihan ko. Kuwanri ‘yung tatay niya, sidecar boy, driver, ‘yung anak niya naging jeepney driver din. ‘Yung cycle ng buhay, hindi nagbabago,” bungad ni Yul.

Totoo ang sinabi ni Congressman Yul na nasubukan niya ang lahat ng hirap sa buhay, laking Binondo siya.

Aniya, “hindi naman kami ganu’n kahirap dahil kaya naman kaming pag-aralin ng magulang namin, pero ako mismo sa sarili ko, inaral ko lahat, nag-side car ako, nagtitinda ako ng tubig sa Divisoria, inaayos ko ‘yung elevator kasi ‘di ba hindi pantay minsan, pinapantay ko ‘yun, naging tubero ako, nanahi ako ng pantalon, marami akong naging trabaho. Tapos pag may pera na, kakain kami ng mga kaibigan ko ng goto, pang meryenda.”

Mahilig pala talagang kumain si Yul at paborito niya ang ulam na itlog at pritong isda. Ang ulam na puwede niyang kainin araw-araw ay itlog na may ampalaya at ang panghimagas ay leche flan.

“Mahilig talaga akong kumain ng itlog,” diin ng kongresista.

At dahil abala na siya sa pagsisilbi sa bayan na prayoridad niya ay aminadong nami-miss niya ang pelikula kaya naman nu’ng may mga alok sa kanya at kaya rin ng schedules niya ay talagang tinatanggap niya thru his manager, Ms June Rufino.“Nakaka-miss din gumawa ng pelikula.Talagang pili lang. Masuwerte ako’t kinuha ako ni Tita June (Rufino) at nagkasunud-sunod ang magagandang projects sa akin.

Sa kanyang ikalawang termino bilang representante ng ikatlong distrito ng Maynila ay maraming malalaking proyekto ang pinaka-nais ni ni Yul na ipatuloy ay ang Lingap Buhay Program na tumutulong sa mga nangangailan na naka-confine sa mga national at local na ospital lalo na yung mayroong malulubhang sakit na nangailangan ng tulong pinansyal para sa treatment, laboratory exam, at mga gamot.

Araw ‘N’yo, Serbisyo Ko! Todo Na Ito’ – isang programa na may 17 services na kasama ang medical, dental, atbp.

‘Ang Lusog-Busog Meal’ programa ay para sa mga bata na kung saan sila ay makakatanggap ng masustansyang sopas and ensaymada na may mga kaakibat na aktibidad rin para sa kanila.

‘Araw Ko, Alay Ko’- isang programa tuwing Pebrero na naghahatid ng libreng pagkain para sa mga walang pambili, at pagbisita siya sa mga bata sa ospital para sila ay mapaligaya.

Sinusundan ng ‘Kasalang Bayan at Binyagang Bayan’, ‘Operation Tuli’, programa para sa mga lalaki na nais magpatuli. Makakatanggap din sila ng mga libreng gamot. ‘Quick Response Operation’, para sa mga nangangailangan ng emergency care, pagkain, tulong pinansyal, at mga relief goods.

At tuwing Biyernes, patuloy pa rin ang ‘Nieto’s Day’ na makakuha ng mga wheelchairs, nebulizers, crutches, walking canes, hearing aids, at oxygen tanks.

Sa kanyang ikalawang termino, nakapaghain siya ng 101 na House Bills sa loob rin ng kanyang unang 101 na araw. Ang mga panukalang batas na ito na ayon sa masipag na congressman ng Maynila ay repleksyon ng kanyang mga adbokasiya sa larangan ng Arts and Culture, Health, Poverty Alleviation, at National Development.

Hindi nagbago ang kanyang mga adbokasiya magmula ng siya’y nagsimulang maglingkod sa bayan. Sa halip, mas nagdagdagan pa ang mga ito lalo nang siya’y maluklok bilang Vice Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development. Ayon sa kanya, mas makatutulong ito sa mga Manilenyong kanyang pinagsisilbihan, lalo’t ang Siyudad ng Maynila ay isang Highly Urbanized City.

-REGGEE BONOAN