NAITALA ng De la Salle-Zobel ang dalawang panalo nitong weekend para magpakatatag sa Women’s Basketball League (WBL) na inorganisa ng Best Center.

Ginapi ng Green squad ang Immaculate Conception Academy, 88-14, nitong Sabado bago sinalanta ang St. Pedro Poveda Academy, 50-17.

Nakopo ng DLSU ang 3-0 marka para manguna sa 13-and-Under category sa torneo na itinataguyod ng MILO, sa pakikipagtulungan ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Matikas dina ng St. Paul College-Pasig sa panalo laban sa Miriam College, 43-38, at Immaculate Conception Academy, 46-17, para sa 2-1 karta.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nagwagi naman ang Immaculate Conception sa 18-and-under class kontra St. Scholastic’s Academy-Marikina, 28-20, habang nangunguna ang Escuela de Sophia of Caloocan sa naitalang panalo sa Raises Academy, 55-7 at Notre Dame of Greater Manila, 42-39.