TOTOO BA ‘TO!

ANIM na sunod na season. Anim na pagkakataon sa Finals. Maningning na kasaysayan sa National University.

WALANG katapat ang lakas ni Jack Animam na muling nanguna sa National University sa pagdungtong sa kasaysayan ng Lady Bulldogs sa collegiate league.

WALANG katapat ang lakas ni Jack Animam na muling nanguna sa National University sa pagdungtong sa kasaysayan ng Lady Bulldogs sa collegiate league.

Muling tumuntong sa championship round ang Lady Bulldogs sa dominanteng, 80-62, panalo kontra University of the East nitong Miyerkoles upang makumpleto ang 14-0 sweep sa double-round elimination ng UAAP Season 82 Women's Basketball Tournament sa MOA Arena.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nagsalansan si Jack Animam ng 13 puntos, 21 rebounds, limang assists, at isang block para sandigan ang Lady Bulldogs sa pedestal at hilahin ang winning streak sa 94. Ito ang pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng team sports sa bansa.

Delubyo na lamang ang tila makapipigil sa NU sa pagsungkit ng ika-anim na sunod na UAAP title sa sisimulang the best-of-three title series.

"I'm just happy that we accomplished with another feat, but we're not finished with our goal which is to win the championship," pahayag ni coach Pat Aquino.

Iginiit naman ni Animam na walang lugar ang maging kumpiyansa, higit at walang makaliligtas sa labis na porma.

"Balewala po itong streak namin kung hindi kami magiging kampeon,” aniya.

Nag-ambag si Mayu Goto ng 11 puntos mula sa bench, habang kumana ng tig-siyam na puntos sina Jeuel Bartolo at Camille Clarin.

Kaagad na nakalayo ang NU sa 28-12 bago naisara ang iskor sa 49-23 sa halftime.

Gaganapin ang Game 1 sa Nobyembre 20.

Nanguna sa Lady Warriors ang graduating na si Tin Cortizano na kumana ng 20 puntos, 18 rebounds, at apat na assists.

Kumubra naman sina Joyce Terrinal ng 17 puntos at apat na boards, at  Jearzy Ganade na may 13 puntos at 12 rebounds para sa Lady Warriors (1-13).

Nakalusot naman ang Adamson para buhayin ang kampanya nang gapiin ang La Salle, 87-86, sa Quadricentennial Pavilion.

"Masaya kami na nakuha namin yung unang goal namin which is to make the Final Four," pahayag ni Lady Falcons head coach Ewon Arayi. Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

NU (80) -- Animam 13, Goto 11, Bartolo 9, Clarin 9, Hayes 6, Itesi 6, Surada 6, Pingol 4, Cac 3, Canuto 3, Dimaunahan 3, Cacho 2, Del Carmen 2, Fabruada 2, Harada 1.

UE (62) -- Cortizano 20, Terrinal 17, Ganade 13, Pedregosa 5, Cuadero 3, Ordas 3, Caraig 0, Fernandez 0, Nama 0, Tinio 0.

Quarterscores: 28-12, 49-23, 69-46, 80-62.

(Ikalawang Laro)

AdU 87 - Prado 26, Bilbao 19, Dampios 13, Araja 11, Catulong 6, Flor 6, Ornopia 4, Balane 2, Anticamara 0, Mendoza 0.

DLSU 86 - Pastrana 20, Okoli 16, Sario 16, Revillosa 9, Dalisay 7, Torres 6, Jimenez 2, Binaohan 0, Malarde 0, Paraiso 0, Quingco 0.

Quarterscores: 21-14, 45-35, 65-63, 87-86.