Standings              W   L

*Ateneo                13   0

*UP                        9    4

*FEU                     8    6

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

*UST                     8    6

DLSU                    6    7

AdU                       4    9

UE                         3    10

NU                         2    11

*semifinalist

INAASAHAN ang mas mahigpit na higwaan sa pagitan ng Ateneo at University of the Philippines sa pagtatapos ng UAAP men’s basketball double-round eliminations. RIO DELUVIO

INAASAHAN ang mas mahigpit na higwaan sa pagitan ng Ateneo at University of the Philippines sa pagtatapos ng UAAP men’s basketball double-round eliminations. RIO DELUVIO

Mga Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena)

10:30 n.u. -- UE vs NU (M)

12:30 n.h. -- DLSU vs AdU (M)

4:00 n.h. -- Ateneo vs UP (M)

ISANG panalo na lamang para sa kasaysayan ang reigning champion Ateneo Blue Eagles.

Ngunit, kailangan nilang pagpawisan ang minimithing karangalan sa pakikipagtuos sa top contender University of the Philippines Maroons ngayon sa tampok na laro sa pagtatapos ng double round elimination ng UAAP Season 82 men’s basketball championship sa MOA Arena.

Target ng Blue Eagles na makumpleto ang 14-0 sweep sa muling pakikipagtuos sa Maroons ganap na 4:00 ng hapon. Taglay ang malinis na markang 13-0, tanging ang Maroons na lamang ang natitirang hadlang para sa katuparan ng kanilang adhikain na mawalis ang elimination round sa ‘rematch’ ng nakalipas na taong title duel.

Tatangkain ng Ateneo na maulit ang naitalang 89-63 panalo kontra UP nitong Setyembre 29.

Bukod sa pagbawi, hangad din ng UP na pigilan ang outright entry ng Ateneo sa kampeonato. Ito'y kahit nakakasiguro na ang Maroons sa second seed may Final Four man o maging stepladder semifinals.

Mauuna rito, pawang wala na sa kontensiyon, magtatangka na lamang isara ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng panalo ang apat na koponang University of the East, National University, De La Salle at Adamson.

Marivic Awitan