Clark, Pampanga -- Nagpamalas ng kahusayan ang mga batang riders sa ika-anim na round ng Honda Pilipinas Dream Cup (HPDC) kamakailan sa Clark International Speedway dito.
Nagawang mamintina ng 14-anyos na si Alfred Jakob Sablaya ang bentahe sa qualifying race tungo sa kampeonato matapos makaungos kina Chino Hung at Marco Gil Ventinilla, na gahibla lamang ang layo sa 0.021-second gap.

Nakabuntot sina Kurt Villanueva at Travis Paralejas, habang nalaglag ang dating No.4 na si Kokoy Mangibin sa ikawalo sa overall standings.
Walang dungis ang kampanya ni Sablaya, habang dikdikan ang labanan para sa No.2 spot sa pagitan nina Hung at Ventinilla, gayundina ng puwestuhan sa No.4 sa pagitan nina Villanueva at Paralejas.
Nadomina ni Sablaya ang Round 6, sapat para tanghaling kampeon sa Honda Pilipinas Dream Cup 2019, habang bumuntot sina Hung at Ventinilla sa No.2 at No.3.
Bilang bahagi ng premyo sa Honda Pilipinas Dream Cup, sasagutin ng Honda Philippines, Inc. (HPI) ang gastusin ni Sablaya sa IdemitsuAsia Talent Cup Try-Outs sa Oct 29 – 30 sa Sepang Circuit sa Malaysia.
Ang IdemitsuAsia Talent Cup try-outs ang ginagamit na batayan para s amga makalalahok sa prestihiyosong race event sa 2020 season, at liyamadong makukuha ni and Sablaya ang parangal at makasama sa listahan ng mga Filipino rider na nakalahok sa kompetisyon tulad ni HPI current international rider Troy Alberto.
Ang HPDC 2019’s sixth-round ay bahagi ng Honda’s Motor Sport Program na naglalayong mapaunlad ang talento ng Pinoy riders sa matataas na kalidadf ng motor tulad ng CBR150R – a 150cc, MotoGP DNA motorcycle.
Suportado ang torneo ng Idemitsu, KTC Tools, Zero2Podium, RK Takasago, NGK Spark Plugs, Racing Boy, Pirelli,Threebond, ARacer at NHK. Para sa karagdagang detalye, bisitahon ang Honda Pilipinas Dream Cup sa HPI’s Facebook page at Instagram.