KUMPIYANSA si Philippine Judo Federation president  na si Dave Carter na makakakuha ng tiket ang pambato ng bansa na si Kiyomi Watanabe para sa 2020 Tokyo Olympics.

WATANABE: Isang hakbang sa Tokyo Olympics.

WATANABE: Isang hakbang sa Tokyo Olympics.

Ipinaliwanag ni Carter na tanging ang  top 26 judokas sa buong mundo sa kani-kaniyang  weight class ang maaring makapasok sa quadrennial meet.

Kasalukuyang nasa ika-23 si Watanabe sa  world ranking  sa  women's -63kgs  at tanging kailangan niyang gawin ay lumahok sa mga nalalabing  Olympic qualifying tournaments upang mapanatili ang kanyang ranking.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Puspusan naman ang suportang ipinagkakalaoob ng Philippine Sports Commission  (PSC) sa mga paghahandang isinasagawa ni Watanabe, partikular sa mga training nito sa ibang bansa pati na sa kanyang mga nilalahokang international competition.

Sa katanuyan, nagbuo pa nga ang PSC ng sariling koponan para kay Watanabe na binubuo ng kanyang nutritionist, coach, at iba pang ekperto sa   sports science na makakatulong sa kanyang paghahanda para sa Olimpiyada na tatawaging  TEAM WATANABE alinsunod na rin sa direktiba ni PSC chairman William Ramirez.

“Slots in the Tokyo Olympics are our target. We are looking for more Filipino athletes to make it in the Tokyo Games after gymnast Carlos Yulo and pole vaulter EJ Obiena," pahayag ni Ramirez.

Kabilang sa mga bansang nasa top 26 sa world ranking ay ang  Japan na may apat na  judokas  pati na ang  Great Britain  na may tatlong pambato, ang  Netherlands, Slovenia, China at  Brazil  na mayroong higit sa isang judokas na pambato.

Bago sumabak sa nalalapit na hosting ng bansa na 30th Southeast Asian Games, sasabak muna si Watanabe sa world championships na gaganapin sa  Osaka ngayong Nobyembre, bilang huling qualifying game nito para sa Olympics.

Target ng 23-anyos na si Watanabe  ang kanyang ikaapat na gintong medalya buhat sa  Sea Games gold kung saan nkuha niya ang unang gintong medalya sa biennial meet noong 2011 edisyon, na sinundan naman ng isa pang ginto noong 2013 na ginanap sa Myanmar, 2015 sa Singapore at 2017 sa Kuala Lumpur. Annie Abad