NAGBUKAS ngayon ang dalawang araw na National Marine Summit sa Manila Hotel, na dinadaluhan ng mga lider ng gobyerno at non-government organizations na may kaugnayan sa kapaligiran, maritime industry, at national defense.

Ang Pilipinas ay isang island nation na may napakaraming ilog at at lawa, gulpo at look, at interisland seas. Ang ating baybayin (22,549 milya) ay halos doble ang haba kaysa sa United States (12,383 milya). Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), mayroon tayong territorial sea na sinasakop ang 12 milya mula sa ating mga dalampasigan. Mayroon din tayo, sa ilalim ng UNCLOS, ng 200-mile Exclusive Economic Zone (EEZ), kung saan tayo ang may sovereign right para pakinabangan ang posibleng gas at iba pang likas yaman sa lupa sa ilalim ng dagat. Ang dating administrasyong Aquino ay pinalitan ang pangalan ng bahagi ng South China Sea na sakop ng ating EEZ at tinawag na West Philippine Sea.

Sinabi ni National Security Adviser Hemogenes Esperon Jr. na ang Marine Summit ay magpopokus sa tatlong usapin – proteksiyon ng marine environment, marine scientific research, at ang credible defense posture and maritime law enforcement capability.

Ang Pilipinas ay mayroon matatag na reputasyon sa marine environment conservation at protection, aniya. Maaaring isulong ng summit ang deklarasyon ng mas maraming marine protected areas sa bansa at maghanap ng mga posibilidad ng pagkokonekta ng ating maritime protected areas sa ating mga katabing bansa.

Nababahala ang scientists sa wildlife na nabubuhay sa ating mga karagatan. Ginagalugad ng scientists mula iba’t ibang nasyon mga karagatan at ang underwater features ng Benham Rise, na pinalitan ang pangalan sa Philippine Rise, sa Pacific may 160 miles sa silangan ng Isabela sa Northern Luzon.

Sa lahat ng mga aktibidad na ito – pangingisda, proteksiyon ng endangered species, pagdaan ng mga barko ng iba’t ibang nasyon, atbp. – mahalaga na alam natin ang ating mga karapatan at ang ating mga limitasyon sa ilalim ng pandaigdigang batas. Sa ilalim ng UNCLOs, ang ating territorial sea ay sinasakop ang 12 milya mula sa baybayin; paglagpas nito ay ang international waters, bukas sa international navigation, bukas sa international fishermen.

Mayroon tayong 200-milyang EEZ, ngunit ang ating mga karapatan doon ay para lamang sa exploitation ng resources sa seabed. Malaya ang mga banyagang barko na gumalaw sa loob ng ating EEZ; gayunman kailangan nilang impormahan ang ating gobyerno bilang pagpapakita ng paggalang. Ang mga mangingisdang Vietnamese, Taiwanese, at iba pang Chinese ay madalas na mangisda sa ating EEZ, at mayroon silang karapatang gawin ito dahil ang mga ito ay international waters.

Sa pagdaraos ng National Marine Summit simula ngayong araw sa Manila Hotel, mahalagang kilalanin at igalang na ang internationally established rights na ito sa ilalim ng UNCLOS.

Maaaring magiging problema natin sa Marine Summit ang pag-aangkin ng China sa mahigit 80 porsiyento ng South China Sea, batay sa nine-dash line na nakapaligid sa karagatan. Ang pag-aangkin na ito ay ibinasura ng Arbitral Court sa The Hague noong 2016, ngunit hindi ito tinanggap ng China at walang paraan para ito ay maipatupad.

Dapat na matamo ng National Marine Summit ang maraming bagay sa larangan ng environmental protection, scientific research, at exploitation ng resources sa maraming lawa, ilog, look, at baybayin ng ating bansa. Ngunit ang anumang depensa at pagpapatupad ng batas na maaaring sikaping idiin ng Summit ngayon sa mga isla at tubig sa South China Sea ay haharap sa pag-aangkin ng China. Ito ay isang usapin na maaaring madesisyunan sa hinaharap ng international diplomacy.