ISANG licensed private pilot at tatlo pang gentlemen ang nagwagi sa ginanap na Ginoong Pilipinas 2019, na idinaos sa Makati City nitong Linggo.

ginoong-pilipinas-2019-winners

Si Erik Lennart Visser ng Cebu City ang iprinoklamang Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism 2019.

Licensed private pilot at may degree sa International Studies mula Silliman University sa Dumaguete City, ang 21 anyos na binata.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Crowd favorite ang Filipino-Dutch beach lover na may taas na 6’3.

Habang si Romart Lagura, ng Misamis Occidental, ang nagwagi ng Ginoong Pilipinas Man of the Year 2019.

May pension house ang 28-anyos, at isang bar. Nagtapos ng hotel and restaurant management si Romart.

Wagi naman si Clark Cardoniga, 19, ng Cavite City, ang nag-uwi ng bagged Ginoong Pilipinas Gentleman of the World 2019 title.

Ang pambato naman ng Masbate na si Lorenzo Isip, 20, ang kumuha ng titulong Ginoong Pilipinas Misters of the World 2019. Isang basketball varsitarian, ang 6’1 na binata.

Magiging kinatawan ang apat na winners sa competitions abroad, ayon kay Dr. Jumel Bornilla at Manix Genabe, officials ng BorGen Entertainment Ventures, ang siyang nag-organisa annual national male pageant.

Si Eric ang magiging kinatawan ng bansa sa Mr. Universe Tourism 2020; si Romart para sa Man of The Year 2020; si Clark, para sa Gentlemen of the World Pageant 2020; at si Lorenzo para sa Misters of the World 2020.

Nakuha naman ni John Michael Suelo, ng Iloilo ang 1st runner up; at si Ruslan Kulikov, ng Batangas, para sa 2nd runner-up.

Wagi naman para sa special awards sina: Visser, Best in Formal Wear at Best in National Costume; Lagura, Best in Swimwear at NV GInoong Carinoso; Albrecht Pring (Mandaluyong City), Photogenic at Audience Choice; Jordan Sibbaluca (Cagayan Valley), Best in Talent; at Cliff Casumpang (Ifugao), Ambassador of Peace at Social Media Choice; at Perry Mariano (Baguio City), Texters Choice.

-ROBERT R. REQUINTINA