SIKSIKAN, gitgitan, at tunay na kalbaryo sa ating mga mananakayat biyahero ang daloy ng trapiko, higit at sa sandaling may naganap na insidente.

road

Sa kabila nito, hindi sumusuko ang Pinoy sa taon-taong sakripisyo para sa  paggunita ng Undas at katuwang ang Caltex, marketed ng Chevron Philippines Inc. (CPI), sa pag-alalay para sa matiwasay at ligtas na biyahe para magbigay ng respeto sa mga namayapang kaanak.

Sa pamamagitan ng Caltex Ka-Roadtrip Motorists Assistance Program, makasisiguro ang sambayanan para sa maayos at ligtas na paglalakbay patungo sa ating mga mahal sa buhay. Muli, kaagapay ang Caltex.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Para sa mga may mga sasakyan na Toyota, naghihintay naman ang libreng check-up at  emergency road assistance, sa pamamagitan ng Toyota Motorists Assistance program sa Caltex stations sa kahabaan ng SLEX.

Nagbibigay din ang Caltex ng pagkakataon sa mga motorista ngayong Undas na manalo sa Liter Lottery promo simula sa October 31 hanggang November 3. Lahat ng magkakarga ng langis at gasolina sa Caltex stations sa SLEX Malampasan, SLEX San Pedro, at NLEX San Fernando ay may pagkakataon na manalo ng libreng ‘full tank’ ng anumang uri ng Caltex fuel sa sandaling magtugma ang numero ng huling digit ng plate number sa huling digit ng liter meter sa halaga ng fuel na maikakarga.

May nakaistasyon din na GMA Bantay Biyahe sa Caltex station sa kahabaan ng SLEX upang masiguro na nasa tamang wisyo at nasa maayos na kalagayan ang mga nagmamaneho at pasahero sa kanilang biyahe.