BAON ni TWBA host, Boy Abunda ang experiences niya bilang talent manager kaya siya kinuhang judge sa Your Moment kasama sina Nadine Lustre at Billy Crawford.
Inamin din niyang hindi siya marunong kumanta, pero alam niya ang sintunado at hindi. Hindi rin daw siya marunong sumayaw pero alam niya kung nasa tiyempo at galawan nito.
Kaya kung sakaling may magtanong sa kanya kung ano ang kredibilidad niya bilang hurado na tulad din ng nasabi ng isang contestant sa Tawag ng Tanghalan na sinabihan niya ang punong hurado na si Louie Ocampo na, ‘composer ka lang.’
Mabilis na sagot ng TV host, “I have managed talents for the last 30 years. I know where I am coming from. Totoo ‘yun, hindi ako marunong kumanta pero alam ko ang flat, alam ko ang sharp. Hindi ako marunong sumayaw pero alam ko kung mali ang entrada mo. But more than that, ang hinahanap ko ay star.
“Hinahanap ko ‘yung qualities of a star. Mayroon naman siguro akong track record na mga artista at mga singers na nai-build-up na. I didn’t do this alone. I did it with a team. I know kung ano ang aking pinanggagalingan.”
Naibahagi rin nito na nakausap nilang mga hurado kasama sina Billy Crawford at Nadine Lustre ang contestant’s ng Your Moment.
“We have a chance to speak with the contestants. So, ang tanong ko madalas ay ‘What are you trying to tell us?’ ‘What is your story?’ or ‘Sorry, ha, hindi ko naintindihan kung saan ka papunta. Bakit ka tumili doon?’
“As Billy would say, ‘Medyo sabit ang high notes mo.’ And Nadine would say, ‘Nahirapan ka sa movement sa gitna, ‘no?’ It’s a wonderful combination.”
“Our combination is very importante. It’s a group contest, eh. Iba ‘yung performance when you perform as a soloist than when you perform with someone or with a group.
“Doon kami tumitingin kay Nadine. How was that experience being part of a girl group kasi iba ‘yung performance? Ako, ang baon ko ay mahilig ako sa kuwento. Gusto ko ‘yung nagkukuwento sa akin. Sayaw, kanta, gusto ko ay nauunawaan ko kung ano ang gusto mong ikuwento sa akin bilang isang tagahanga,”pahayag ng isa sa YM judges.
Dagdag pa, “It’s a very difficult combination of excellence and charisma. To me, if you combine talent and the ‘It’ factor ‘yung presence that becomes your moment.
“You can have talent pero walang dating. You can have all the ‘dating’, wala ka namang talent. Pero pagsamahin mo ‘yun and you sparkle,” saad niya.
Ang huling reality show na naging hurado si kuya Boy ay ang Star Circle Quest na panahon pinanalunan ni Hero Angeles bilang Grand Questor at si Sandara Park nanalo sa Voters Choice Award, sina Roxanne Guinoo ang nagkamit ng 3rd place, Joross Gamboa ang 4th place at 5th place naman si Melissa Ricks.
“Ang judging ko dito ay katulad noong mga kapanahunan ni Sandara, Joross, lahat ng nagdaan sa Star Circle Quest? Hindi rin. Medyo may nabago pero kung anuman ang natira doon sa istilong iyon ay hindi ko bibitawan ‘yung opinion ko at ‘yung hinahanap ko.”
“Nagbago ang audience, nabago na rin ang tao. Social media now is very strong. Ang contestants, they have become better. Kasi noon ‘di ba, paiyakan, etcetera. Ito ay mas malakas ang tension dahil ang competitor’s ng ‘Your Moment’ ay sobrang lakas ng competition,” paliwanag pa ng magaling na talent manager.
Kung dati ay medyo mataray siya bilang hurado ngayon ay iba na, “deliberate ang cruelty ko dati kasi ang pananaw natin ay ang starring ay ang contestant, we’re just part of the show. May contestants, then ang judges ang kontrabida.”
Iba na kasi ang konsepto ng Your Moment dahil nga iaalok ito sa ibang bansa or going globally ang nasabing reality show.
“I think that the articulation of your commentary, dapat klaro ang pinanggagalingan. I am not saying it wasn’t clear before. Noon mas madali, ngayon hindi, eh. Mahirap dahil matindi ang kompetisyon.”
-REGGEE BONOAN