MALAKAS na sinimulan ni Fide Master Nelson “Elo” Mariano III ng Bacoor City, Cavite ang kanyang kampanya tungo sa magandang pagtatapos para makopo ang titulo sa Open blitz B class habang naibulsa naman ni International Master Daniel Quizon ng Dasmarinas City, Cavite ang korona sa Open blitz A plum sa Thailand Pattaya Open 2019 chess championship na ginanap sa Bay Beach Resort in Pattaya, Thailand nitong Sabado (Oktubre 26, 2019).
Kilala sa tawag na “Elo” sachess circle, na nakababatang kapatid nina Grandmaster Nelson “Jet” Mariano II at Woman International Master Cristine Rose Mariano-Wågman ay naipanalo niya ang nalalabing limang laro tungo sa pagtipon ng 10 points kasama ang pag-ungos sa kababayang si Mohamad Sacar ng Cotabato kung saan nakaipon ang huli ng 6.5 points.
Si Elo ang head chess coach ng Jose Rizal University sa Mandaluyong City sa gabay ni JRU athletic director Paul Supan.
Magkasalo naman sina Far Eastern University mainstay Darry Bernardo ng Angeles, Pampanga at Volodymyr Yaniuk ng Ukraine sa second na may tig 8.0 points habang naikamada naman ni Big Rook Chess Academy - Bangkok chess instructor Fide Master Jony Habla, ipinagmamalaki ng Novelty Chess Club ang 7.5 points, iskor ding naitala nina Grandmaster Roy Saptarshi ng India at Arena Grandmaster Henry Roger Lopez ng Panabo City, Davao Del Norte.
Si IM Quizon na pambato naman ni sportsman at Dasmarinas City, Cavite rep. Elpidio “Pidi” Barzaga tungo sa 9.0 points para maiwui ang Open blitz A crown.
Bida din sina University of the East bet Kimuel Aaron Lorenzo, Calamba City, Laguna ace Vladimir Gonzales at Dasmarinas City, Cavite pride International Master elect Roel Abelgas na may identical 8.0 points , kalahating puntos angat kina Jirapak Chess Academy chess instructor National Master Ric Portugalera ng General Santos City at Fide Master Sander Severino ng Silay City, Negros Occidental na may tig 7.5 points.
Una ng namayagpag si country’s youngest Woman Fide Master Antonella Berthe Racasa ng Mandaluyong City na nag reyna sa girls’ U-12 event habang si Wayne Ruiz ng Santa Rosa City, Laguna ang naging over-all champion sa Under 12 category.
Ang kampanya ni Racasa sa Thailand International Chess Championship ay suportado nina D. Edgard A. Cabangon ng ALC group of companies, North Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Mendoza, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos-Vargas and Eng’r Rogelio SP Lim, President ng RSP Lim Construction Co Inc. Owner at developer ng Boni Tower.-Marlon Bernardino-
Si Fide Master Nelson “Elo” Mariano III ng Bacoor City, Cavite na nakababatang kapatid nina Grandmaster Nelson “Jet” Mariano II at Woman International Master Cristine Rose Mariano-Wågman.