Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- Rain or Shine vs NLEX

7:00 n.g. -- Blackwater vs Ginebra

Probinsya

Kinuyog sa kadugyutan! SK chairman sa Laguna, nag-sorry sa paghawak sa mga panindang siopao at hotdog

MAKISOSYO sa maagang liderato ang target ng NLEX sa pagharap laban sa Rain Or Shines ngayon sa 2019 PBA Governors Cup elimination sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Hawak ang barahang 6-1, isang panalo ang pagkakaiwan sa kasalukuyang lider na TNT Katropa (7-1), sasagupain ng Road Warriors ang Elasto Painters ganap na 4:30 ng hapon.

Pinutol ng NLEX ang 7-game winning run ng TNT nitong Oktubre 25 sa pamamagitan ng 126-113 na paggapi para sa ikatlong sunod na panalo sa pamumuno nina Kiefer Ravena at import Manny Harris.

Taglay naman ang kartadang 2-6, magtatangka naman ang Elasto Painters na kumalas at umangat mula sa kinalalagyang 4-way tie sa ilalim ng standings kasalo ng Phoenix, Alaska at Blackwater na siyang sasalang sa tampok na laro ngayong 7:00 ng gabi kontra Barangay Ginebra.

Gaya ng NLEX, ikaapat na sunod na panalo din ang target ng  Ginebra na kasalukuyang nasa ika-4 na puwesto taglay ang markang 4-2 sa likod ng pumapangatlong Meralco(5-2).

Huling ginapi ng Kings ang Elasto Painters nitong Oktubre 26 sa iskor na 98-89.

Naniniwala si Ginebra coach Tim Cone na kinakailangan nilang manatiling kaagapay ng mga lider upang mas maging malaki ang kanilang tsansa.

Gaya ng dati, inaasahang muling mamumuno sa Kings ang kanilang import na si Justin Brownlee habang sasandig naman ang Rain or Shine sa liderato ng bagong import nilang si Kwame Alexander. Marivic Awitan

2