ITINANGGI ni Lovi Poe na siya ang pumili kay Joem Bascon bilang leading man sa pelikulang The Annulment na mapapanood na sa Nobyembre 13 handog ng Regal Films na idinirekni Mac Alejandre.
Base sa tsika ay maraming delikadong love scenes ang The Annulment at bilang bida ng pelikula ay gusto ni Lovi na kilala at alam niyang maingat ang leading man niya na hindi magte-take advantage lalo’t pang apat na nilang pagsasama ni Joem sa nasabing pelikula.
“You know, ang sarap kasing maka-eksena ang magaling na aktor (nagpasalamat naman si Joem sa aktres). It’s true, si Joem kasi I’ve worked with him a million times and you know he’s someone has depth and who’s sincere as an actor, aside from he’s an amazing actor, he’s also good looking, wow! And there’s a certain appeal about him. It’s not just about me, eh. Parang everyone talked about it and everyone agreed and picked him. I wasn’t me, it was direk Mac, Miss Roselle (Monteverde), it was Mother (Lily Monteverde), it was me and we were all just like crazy about Joem because we knew that he was a great actor,” kuwento ni Lovi.
At dahil maseselan ang mga eksenang ginawa nina Lovi at Joem bukod pa sa maraming beses na silang nagkasama ay ikinataka na hindi sila nagkaroon ng involvement sa isa’t isa.
Natawa ang dalawang bida, “Wala po, talagang close friends lang,” say ng dalaga.
Sundot naman ni Joem, “wala po kasi nu’ng nag-start palang kami kay tito Leo (Dominguez), ako ‘yung first partner ni Lovi. And after no’n naging friends na kami. Kaya masaya na nagkasama muli kami at nakita namin ang isa’t isa na nagmature na pati sa work. I’m just happy na doing roles like this with her kasi kumportable na kami sa isa’t isa.
“‘Yung sinasabi ni direk Mac na tinext niya kami na ‘sobrang galing n’yong dalawa.’ Siguro maganda lang ‘yung tandem naming tatlo nina direk Mac kasi nagkakaintindihan kami at sobrang kumportable kami ni Lovi, sobrang saya lang talaga.”
At dahil tema ng paghihiwalay ang kuwento ng The Annulment kaya natanong si Joem kung mas gusto muna niyang makipag-live in para malaman kung magkasundo sila bago ikasal.
“Siguro ‘yung chances na kailangan naming tumira sa iisang bahay, may mga bagay kami na hindi naming maiwasan kaya kailangan naming magsamang dalawa. Pero for me kasi, it depends on the couple kung gusto nilang magsama o magkahiwalay. Depende kung anong set-up nila.
“Minsan kasi kaya nagsasama dahil walang time magkita na kapag hindi magkasama sa iisang bahay. Sa kaso ko kahit magkasama kami sa iisang bahay hindi pa rin kami laging nagkikita kasi busy sa work kaya kapag nagkita at nagkasama, we make the most out of it,”paliwanag ng aktor.
Si Lovi ba ay okay ang live-in sa kanya o kasal muna, “actually it really depends, sabi nga ni Joem depende sa couple, ako, I’m very open-minded naman when it comes to these things because I do believe that it would be nice to know a lot more about each other and there’s nothing wrong with that.
“But of course there’s a lot of people a bit more conventional and conservative and that’s okay, too! It’s not a problem, it’s really a choice of people around you, too. So either way, it’s good. You get benefit from both choices.”
Hayan, parehong pabor sa live-in sina Lovi at Joem bago sila ikasal sa kanilang respective partners.
-REGGEE BONOAN