NAKASIGURO ang Far Eastern University ng playoff para sa isang Final Four slot matapos padapain ang University of the East, 64-41, nitong Sabado sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa Ynares Center sa Antipolo.

BUHAY pa ang tsansa ng La Salle Lady Archers sa UAAP women’s basketball Final Four.

BUHAY pa ang tsansa ng La Salle Lady Archers sa UAAP women’s basketball Final Four.

Pinangunahan ni Clare Castro ang nasabing panalo ng Lady Tamaraws sa itinala nitong 14 puntos,  12 rebounds at 2 blocks.

Mula sa 19-6 na simula, dinomina na ng  FEU ang laro at napaabot hanggang 32 puntos ang kanilang bentahe sa iskor na 62-30, may 7:09 pang oras na nalalabi.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Nagsilbing regalo ang nasabing panalo na nag-angat sa kanila sa markang 8-6, panalo-talo sa kanilang coach na si Robert Flores na nagdiriwang ng kanyang ika-51 kaarawan kahapon.

“Kailangan namin yan going to the Final Four. Pa-birthday na nila sa akin,” ani Flores. “Sabi ko lang, don’t give up dahil may chance pa tayo. Masyado na tayong down eh, so mabuhayan lang tayo at mabalik yung confidence nila, masaya na ako. Hindi pa tapos eh.”

Tumapos na topscorer si Fatima Quiapo para sa Lady Tamaraws sa ipinoste nitong 18 puntos, 4 assists, 3 rebounds, at 3 ring steals.

Sa ikalawang laro, napanatiling buhay ng De La Salle ang kanilang tsansa na makaabot sa susunod na round matapos igupo ang University of the Philippines, 73-49.

Nagposte si Lee Sario ng 13 puntos kasunod si Kent Pastrana na may 11 puntos upang pangunahan ang Lady Archers  sa pag-angat sa markang 7-6.

Dahil dito, magiging do or die ang laban nila sa Miyerkules kontra Adamson dahil dito malalaman kung magpapatuloy pa sila o kasama ng mga maagang magbabakasyon. Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

FEU (64) -- Quiapo 18, Castro 14, Bahuyan 12 Jumuad 8, Antiola 7, Mamaril 4, Delos Santos 1, Abat 0, Adriano 0, Bastatas 0, Pacia 0, Payadon 0, Vidal 0, Villanueva 0.

UE (41) -- Terrinal 10, Ganade 9, Pedregosa 8, Cortizano 6, Cuadero 4, Ordas 4, Caraig 0, Fernandez 0, Nama 0.

Quarterscores: 19-6, 35-14, 50-29, 64-41.

(Ikalawang Laro)

DLSU (73) -- Sario 13, Pastrana 11, Okoli 10, Torres 10, Dalisay 8, Revillosa 8, Quingco 4, Espinas 3, Jimenez 2, Malarde 2, Paraiso 2, Binaohan 0, Castillo 0, Jajurie 0.

UP (49) -- Pesquera 19, Sanchez 11, Ordoveza 6, Hidalgo 5, Rivera 4, Gusilatar 3, Gonzales 1, De Leon 0, Lebico 0, Lucman 0, Taulava 0.

Quarterscores: 15-13, 34-25, 62-34, 73-49.