PORMAL nang binuksan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang unang negosyong magkasosyo sila na Barbero Blues sa SM The Block, 5th Level nitong Sabado, Oktubre 26.
Nasa ikatlong palapag palang kami ng SM The Block ay dinig na namin ang hiyawan ng supporters ng KathNiel na talagang inabangan ang pagdating nila at kaya pinasalamatan sila ng kanilang mga idolo.
Base sa panayam namin kina DJ at Kath ay ang aktor ang bahala sa interior design sabi ng huli.
“Mostly interior siya po, actually ito ang itsura ng bahay niya (masayang sabi ni Kathryn). Ako po mostly lang sa colors pero style niya ito kasi lalaki, so siya ‘yan,” kuwento ng dalaga.
At maging ang logo ng Barbero Blues ay si Daniel din ang nakaisip na sakto naman.
Sabi nga kung bakit ito ang napiling negosyong itayo ng KathNiel, “kasi para may panlalaki naman kasi ‘yung Kath Nails pambabae, so ito panglalaki,” say ni DJ.
At kahit abala sa kani-kanilang career sina Daniel at Kathryn ay sinigurado nilang hands on sila sa Barbero Blues.
“Kung paano po sa Kath Nails (negosyo ng aktres), ganoon din po dito, though hindi kami pupunta rito araw-araw pero monitored po kasi may group (chat) kami sa viber,” sambit ng dalaga.
Kasosyo rin ng KathNiel sa Barbero Blues ang kanilang magulang na sina Ms. Karla Estrada, Mommy Min Bernardo, ang styist na si Ton Lao, Doc (personal manager ni DJ) at kapatid na babae ng dalaga.
May bubuksang branch din ng Barbero Blues sa SM Fairview sa mga susunod na araw at ayon din kay Daniel bago sila mag-isip pa ng bagong itatayong negosyo ng kanyang love of his life ay, “dadagdagan muna namin ito.”
Sundot ni DJ tungkol sa partnership nila, “sakop kasi ito ng pamilya, walang labas (ibang tao).”
Samantala, nabanggit ng KathNiel na sa 2020 na ang susunod nilang proyekto pero hindi pa binanggit kung ano ito, abangan na lang daw.
Sa tanong namin kung tuloy na ang pelikula nina DJ at Sarah Geronimo.
“Pinag-uusapan pero wala pa talaga tayong official na masasabi ro’n kung tuloy o hindi. Pero soon ‘yan babanggitin na natin ‘yan para may closure na tayo diyan,” nakangiting sabi ng aktor.
At tungkol naman sa umano’y part two ng Hello Love Goodbye nina Kathryn at Alden Richards ay hindi pa rin sigurado dahil magbabakasyon ang direktor nilang si Cathy Garcia – Molina.
Payag ba si Daniel na muling tumambal si Kathryn sa iba.
“Isa pang pelikula? Why not! Kung maganda ang kuwento,” saad ng binata.
Hirit namin na malulungkot na naman si Kath kapag napahiwalay ulit siya sa boyfriend niya, “matagal pa ‘yan, huwag muna nating isipin, ha, ha, ha,” tumawang sagot ng dalaga.
At dahil tinawag naming box office queen si Kathryn ay nagbiro naman ang aktor ng, “bakit hindi ba ako box office king? Mas marami naman akong box office, ah? Just saying.” Oo naman, Daniel Padilla no!
Two months in the making ang Barbero Blues dahil, “kasi poi yon ang ibinigay ng mall, na-delay pa nga poi to, eh,” saad ng aktres.
Sinuportahan naman ang opening ng n e g o s y o n g KathNi e l ng mga kaibigan nila sa showbiz na sina Ria A t a y d e , V i v o r e e E s c l i t o , Dominique Roque, Pat Sugi a t dumating din ang ama ng aktor na si Rommel Padilla.