PINAG-AARALAN ng Philippine Sports Commission ang nilalaman ng Republic Act 10699 para mapakinabangan ng mga atletang Pinoy at coach.

RAMIREZ: Para sa atleta

RAMIREZ: Para sa atleta

“We have already coordinated with concerned agencies like the Bureau of Internal Revenue (BIR),†pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ayon kay Ramirez, inutusan na niya si PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy upang rebyuhin at pag-aralan ang naturang batas habang hinihintay pa ang pahayag mula sa mbang ahensiya ng pamahalaan hingil dito.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

Batay sa batas, magkakaroon ang national athletes at coaches ng 20% discount sa mga commercial establishments, scholarships para sa mga winning athletes, retirement at death benefits.

“Malaking bagay ito para sa ating mga atleta,†ayon kay Ramirez.

Kabuuang 1,000 atleta ang nasa pangangansiwa ng PSC at tinutustusan sa kanilang monthly allowances, accommodation at food allowances.

“Kung maibibigay ito, makartitipid pa ang ating mga bayaning atleta,†aniya. Pero ‘di katulad ito para sa mga PWD at senior citizen namay mga aspeto na dapat isaayos rin para mapairal ang batas. Annie Abad