TULUYANG isinara ng University of the Philippines ang pintuan ng Final Four sa La Salle Archers matapos ang 71-68 panalo nitong Linggo sa penultimate date ng double round elimination sa UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament sa Ynares Center.

maroons

Tinuldukan ni Kobe Paras ang dominasyon  ng Fighting Maroons sa impresibong go-ahead slam sa huling 54 segundo para ibigay ang bentahe at momentum laban sa pursigidong Archers.

"How could we disappoint our community who came here in throngs, who have been supporting us all through the season?," pahayag ni Maroons coach Bo Perasol.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Tinapos ng Fighting Maroons ang kampanya sa 9-4 para masiguro ang No.2 spot sa Final Four.

"I mentioned to the guys that you're not just fighting for our position but also fighting for our survival as well," aniya.

Nanguna si Jun Manzo sa UP sa naiskor na 11 puntos, walong assists, at limang rebounds, habang kumana si Bright Akhuetie ng 17 puntos, 10 boards, dalawang assists, at dalawang steals.

Naitala ni Ricci Rivero ang season-high 12 puntos, limang rebounds, at dalawang assists,  habang tumipa si Paras ay may 10 puntos at apat na rebounds.

Nakuha ng Fighting Maroons ang 60-51 bentahe may 7:14 ang nalalabi bago bumawi ang Green Archers sa 15-2 run para maidikit ang iskor sa 66-52 tungo sa huling tatlong minuto.

Nanguna si Jamie Malonzo sa La Salle, nasibak sa semifinals tangan ang 6-7 karta, na may pitong puntos at 11 rebounds. Marivic Awitan

Iskor:

UP (71) -- Akhuetie 17, Rivero 12, Manzo 11, Paras 10, Ja. Gomez de Liano 8, Webb 6, Ju. Gomez de Liano 3, Prado 2, Tungcab 2, Spencer 0.

DLSU (68) -- Malonzo 17, Melecio 12, Baltazar 10, Bates 8, Serrano 8, Lojera 4, Manuel 4, Bartlett 3, Hill 2, Caracut 0.

Quarterscores: 21-11, 35-34, 55-45, 71-68.