SIKSIK, liglig at umaapaw ang talento ng homegrown swimmers at ibilang na dyan ang Swim Pinas-TYR Team.
Sa pangunguna ni National age-group record holder Jasmine Micaela Mojdeh, hataw ang elite squad ng Swim Pinas sa katatapos na Philippine Swimming Inc. Short Course program na kanilang pinaharian sa Trace Center sa Los Banos, Laguna.
Tinaguriang ‘Water Beast’ sa edad na 13-anyos, pinatunayan ni Mojdeh ang pagiging top junior swimmer sa bansa sa napagwagihang double gold sa 50-meter fly (age-group at Open) sa personal best na 29.18 segundo.
Nakuha ng kasangga niyang si Triza Tabamo ang silver medal.
Nauna rito, nasungkit ni Mojdeh ang gintong medalya sa 400 IM sa tyempong 5:03.90, may 13 segundo ang layo sa dati niyabg marka na 5:16.
Kabilang din si Mojdeh sa 4x100 freesttle relay na binubuo din nina Isabelle Basa, Tabamo at Jen Sermonia.
Nakamit naman ng Swim Pinas boys team – Marcus Johannes, Jordan Ken Lobos, Jules Mirandilla at JN Paderes – ang silver medal sa 4x 100 Freestyle Relay
Sa individual event, nagwagi si Lobos kontra Marco Austriaco (1:08.55) sa bilis na 1:05.71 sa 100-meter breaststroke. Nagwagi rin siya sa 200 Freestyle sa age group 16-18 sa oras na 1:59.53.
Hindi nagpahuli si John Neil Paderes na nanalo ng gintong medalya sa 200 m bacstroke sa age group at Open Final sa tyempong 2:08.15 bago nakuha ang silver sa 400 IM (4:52).
Kumana naman si Marcus Johannes De Kam sa 200meter freestyle sa oras na 1:57.62, 50 Fly (26.87), 400 IM (5:03.78) at bronze sa 200m back (2:17.32)/