NASIKWAT ni Antonella Berthe Racasa, pinakabatang Pinay Woman Fide Masterm ang titulo sa girls’ 12-Under sa paglikom ng 6.5 points sa nine outings sa katatapos na 2nd Pattaya Chess Club Open 2019 age group chess championship sa Bay Beach Resort in Pattaya, Thailand.

recasa

Naitala ng 12-year-old Racasa ang importanteng panalo kontra kina Tyrhone James Tabernilla ng Philippines (first round), Ray Pritish Burman ng Singapore (second round),Ian Hon ng South Korea (third round), Relghie Columna ng Philippines (sixth round), Agarwal Manan ng Singapore (seventh round) at Adrian Klein Cantomayor ng Philippines (ninth round).

Ang Grade 6 pupil ng Home School Global na si Racasa ay nakipaghatian ng puntos kay Ruelle ng Philippines (eight round). Nalasap niya ang pagkatalo sa kamay nina Sai Han Thiha ng Myanmar (fourth round) at Wayne Ruiz ng Philippines (fifth round).

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Ruiz na taga Santa Rosa, Laguna ang nag hablot ng over-all champion sa Under 12 division na sinundan nina 2nd placer Sai Han Thiha at 3rd placer Canino.

Ang kampanya ni Racasa sa local at international chess ay suportado nina PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, councilor Charisse Abalos, Rotary Club past president Rogelio Lim ng Boni Towers, Rose Montenegro, immediate past president/CEO ng Makati Med. at president/CEO ng ALC Group of Companies, D. Edgard A. Cabangon