INAAYOS ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni chairman William Ramirez ang tungkol sa pribelehiyong kalakip ng Republic Act 10699 para sa national athletes at mga coaches.

Ayon kay Ramirez, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno at iba pang ahensiya na may kinalamansa pagpapatupad ng nasabing batas ukol sa isentibo ng mga atletang at mga coaches.

“We have already coordinated with concerned agencies like the Bureau of Internal Revenue (BIR),” pahayag ni Ramirez.

Kasama sa isinasaad ng nasabing batas ang pagkakaloob ng 20% diskwento para sa mga national athletes at coaches sa mga kumersyal na establisyemento, kasama na ang pagbibigay ng scholarship para sa mga nagwaging atleta, pati na ang benepisyo sa pagreretiro at maging sa kamatayan.

Bagama’t iba ang nakasaad sa mga prebilihiyo para sa mga PWDs o yung mga Differently Abled athletes at mga senior citizens, gayung malimit magbago ang mga alituntunin sa bawat national sports associations pati na ang komposisyn ng national team.

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

Kaya naman hindi umano madali ang implementasyon ng nasabing batas, bagama’t siniguro ng ni Ramirez na kanila itong maayos sa lalongmadaling panahon.

“It is not all that simple. There are certain challenges on the implementation,” ani Ramirez.

-Annie Abad