ISANG brand new HBO Asia Original Anthology Drama series, ang magpapalabas ng eigh-episode hour-long series na tatalakay sa human conditions tungkol sa bawat bansa sa Asia, inspired by Asian cuisines. Mapapanood ito exclusive sa HBO Go at HBO.
Magkakaroon ng debut ang Food Lore: Island of Dreams sa Sunday, November 3 at 10pm. Tatalakay ito sa buhay ni Nieves na sa kagustuhang magkaroon ng magandang buhay para sa kanyang pamilya, iiwanan niya ang asawa at mga anak nila para magtrabahong domestic helper sa Maynila. Bumalik siya sa bayan nila para sa taunang fiesta sa kanilang lugar sa Negros Occidental. Doon mari-realize ni Nieves na naging malayo na sa kanya ang pamilya niya at hindi nila appreciated ang kanyang pagbalik. Magkakaroon din siya ng hindi inaasahang matutuklasan sa kanyang pamilya.
Bubuo sa cast sina Angeli Bayani as Nieves, John Marvin C. Nieto (Yul Servo) as her husband ang Irina Guillen Feleo (Ina Feleo) as her sister.
Sa direksyon ng mahusay na director na si Erik Matti, ipakikita niya, hindi lamang ang magagandang lugar sa Sipalay at Cartagena, Negros Occidental kundi ang masasarap nilang pagkain sa lugar na iyon. Medyo mahirap daw ang pagsu-shoot nila doon dahil sa weather at wala silang makuhang signal, pero masaya at nag-enjoy ang bumubuo sa cast at production staff. Sabi nga ni Cong. Yul Servo, gusto raw niyang magpabalik-balik sa magandang lugar, kahit wala siyang talent fee.
Bago ang airing sa HBO Go at HBO sa November 3, ang “Food Lore: Island of Dreams” ay magkakaroon muna ng world debut sa 2019 Tokyo International Film Festival (TIFF) sa Thursday, October 31.
Bukod sa Philippine entry sa November 3, mapapanood din ang Food Lore: He Serves Fish, She Eats Flower ng Vietnam on November 10; Food Lore: Maria’s Secret Recipe ng Indonesia on November 17; Food Lore: A Plate of Moon ng India and Singapore on November 24; Food Lore: The Caterer ng Thailand on December 1; Food Lore: Tamarind ng Singapore on December 8; Food Lore: Life in a Box ng Japan on December 15; at Food Lore: Stray Dogs ng Malaysia on December 22.
Ang Food Lore ay produced ng Singapore-based company Bert Pictures at part of a two-year partnership with the Infocomm Media Development Authority (IMDA).
-NORA V. CALDERON