IPINAGKALOOB ni Cedrick Tan, Southeast Asia President AVID Sports, ang eleganteng tropeo na nagsisimbulo sa katapangan at kabayanihan, kay boxing legend at Sen. Manny Pacquiao, sa ginanap na store opening ng ANTA kamakailan sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Umani ng papuri bunsod ng istilo at kalidad ang mga produkto ng ANTA mula nang ilunsad ito sa merkado noong 1991.
Nauna rito, nagsagawa ang ANTA ng grand launching nitong Oktubre 16.
Sa kasalukuyan, ilan sa sports stars na nakadikit sa ANTA sina Sen. Manny Pacquiao, NBA stars Klay Thompson, Gordon Hayward, Rajon Rondo, at iba pa.