NAGDESISYON si Tokyo Olympic-bound pole vaulter EJ Obiena na magbalik sa Italy para higit pang hasain ang talento para mapaghandaan ang 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Hindi na sumabak sa isinagawang test event ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) nitong weekend sa New Clark City sa Tarlac at nag-alsa balutan ang 23-anyos na kampeon para ipagpatuloy ang ensayo sa Italy sa pangangasiwa ni Serbian coach Vitaly Petrov.
“There are other disciplines that are important for improvement,” pahayag ni Patafa president Philip Juico.
Nitong Setyembre, nagawang lagpasan ni Obiena ang Olympic qualifying mark na 5.80-meter nang maitala ang 5.81 meters sa torneo sa Italy para tanghaling unang Pinoy na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.
Samantala, sinabi ni Juico na isasabak ng Thailand ang kabuuan ng kanilang SEAG-bound track and field squad sa naturang test event.
Hindi naman makalalaro ang mga pambatong Fil-Foreigners na naka-line up sa Team Philippines dahil patuloy ang pagsasanay ng magi to sa Amerika.
Tanging ang kambal na sina Kayla at Kyla Richardson ang makikiisa sa test event.
-Nick Giongco