INAMIN ng DZMM OMJ hosts na sina Ogie Diaz at MJ Felipe na hindi sila nagkakasundo kapag nakaupo sila sa radyo at talagang on-air ay sinasabi nila ang ‘di gusto sa opinyon ng isa’t isa.

OMJ

Naunang magkuwento si MJ, “kapag nako-commentary kami sa radyo, may mga opinions kami minsan na salungat kami, sobra! As in sinasabi ko on air, ‘I don’t agree with you kuya Ogie.”

Sundot ni Ogie, “pero hindi namin sinasabi ‘yun na, ‘ikaw naman nagdi-disagree ka!’ Hindi kami ganu’n kasi siyempre utak niya ‘yun, utak ko ‘to. As long as hindi kami nagsusuntukan sa ere, okay lang kasi mas healthy ‘yun. Mas nabo-bobohan ako sa tango lang nang tango sa akin, mas walang dating, ‘di ba?”

Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

Dagdag pa ni MJ, “may mga topics din akong sina-suggest sa kanya, ayaw niya, sasabihin niya, ‘ano na naman yan.’ Kaya may mga ganu’n kami (tawa naman ng tawa si Ogie.).”

Inamin din ni Ogie na kapag may gustong magpa-guest sa OMJ program nila ay inaayawan niya.

“Sabi ko, ‘huwag mo ige-guest ‘yan, hindi makakatulong sa programa,”tumatawang kuwento ni Ogie kaya nagkakatawanan ang lahat ng dumalo sa presscon sa Novotel, Aranera City, Cubao.

“Gusto ko kay MJ, nakikinig siya, good listener siya. Ina-acknowledge niya na may mga natutunan siya sa akin at ako naman ay bumibilib kay MJ kasi hindi ko kayang gawin ‘yung ginagawa niya ngayon, yung liksi niya, ‘yung utak niya, kung paano siya mag-deliver ng news sa (TV) Patrol, sabi ko nga, hindi ko kakayanin ‘yan!” papuri ng sikat na talent manager sa co-host niya sa OMJ.

Tawanan ang lahat nang sinabihan ang dalawang host na matalino si MJ.

Birong reaksyon ni Ogie, “ang bobobo ko! (sabay hampas kay MJ na tawa naman ng tawa), sinabing wala akong talino.”

Pero si Ogie naman ang witty sa kanila ni MJ.

“Hindi nga ako intelligent, kaya ang bobo ko talaga!” biro ulit ng TV host/actor/manager.

Samantala, natanong kung wala silang planong gawing talk show sa telebisyon ang OMJ dahil maraming nakaka-miss na ngayon sa The Buzz.

“’Yung TV kasi mas gusto nila social media kasi real time ‘yan. So kung kami magti-TV, eh, opinyon na lang ang kaya naming ibigay. Kasi ang mga artista they can provide (na) their statement, kung ano ‘yung gusto nilang i-post. Pansinin n’yo, pini-pick up na lang natin sila,” paliwanag ni Ogie.

Ang oldies na lang daw ang may gustong magkaroon ng talk show na napapanood nila sa telebisyon kasi nga hindi naman sila mahilig sa social media.

Dagdag pa, “pansinin n’yo kung dati puwede nating i-misquote ang artista ngayon hindi na kasi may video na, may resibo na.”

Samantala, para sa hottest o update news sa showbiz ay laging makinig sa OMJ sa DZMM Teleradyo 630 tuwing Sabado, 9PM.

-Reggee Bonoan