USUNG-USO ngayon ang annulment sa mga mag-asawang hindi na magkasundo na ilang beses nilang sinubukang ayusin pero wala ng pag-asa, kaya ang ending gustong ipawalang bisa ang kasal nila.
May iba namang ayaw magpa-annul dahil sa personal nilang dahilan, tulad halimbawang mayaman ang isa sa mag-asawa, siyempre ayaw nilang may ibang makinabang o makihati. ‘Yung iba naman ay naniniwala na kung ano ang sinumpaan sa harap ng Diyos ay hindi na puwedeng paghiwalayin ng tao at kung anu-anong dahilan pa.
Sa kaso ni Lovi Poe bilang bida ng pelikulang Annulment na idinirek ni Mac Alejandre ay tinanong kung sakaling hindi na sila magkasundong mag-asawa ay ipapawalang bisa niya ang kasal.
“Definitely try to save it, of course do my best to save the relationship. I can’t say this earlier but when we enter relationship or commit ourselves to someone, we really do not want to end badly. We want to work things out. So hangga’t kayang ipaglaban, ipaglalaban, pero siyempre there are things that you can’t fix,” pahayag ng aktres.
Halimbawang may malapit na kaibigan o kaanak si Lovi na hindi na kasundo ang asawa nila, papayuhan ba niyang mag-file ng annulment.
“I probably be the same as Tricia’s character (Laura Lehmann) if I see that a relationship is destructive let’s say abusive and as you see a negative relationship, I would definitely not really advice, probably give her a good talk about a pros and cons of having a relationship.
“It’s hard to see your loved ones go through something terrible, di ba? So hindi talaga maiiwasan na bigyan ng advice ‘yung kaibigan mo o love one na kung hindi na tama ang nakikita mo, siyempre as a friend posibleng bigyan ko siya ng ganu’n klaseng advice,” katwiran ni Gari (karakter ni Lovi).
Sa edad na 30 ay hindi pa rin naiisip ni Lovi ang kasal kung sakaling may karelasyon siya dahil katwiran niya ay hindi ito ang sagot o dahil pressured siya kaya kailangan niyang magpakasal. Kapag nakilala na ng dalaga ang tamang tao para sa kanya saka niya iisipin ito. Okay lang daw siyang magpakasal sa edad na 50 sa tamang lalaki kaysa magpakasal siya ng bata pa siya sa maling tao.
Interesting ang kuwento ng pelikulang Annulment ni direk Mac na produced naman ng Regal Films at mapapanood na ito sa Nobyembre 13 nationwide.
Bukod kina Lovi at Laurah ay kasama rin sina Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore with Johnny Revilla at Ana Abad Santos.
-REGGEE BONOAN