POIGNANT story ang pinagtatambalang pelikula sa unang pagkakataon nina Jasmine Curtis at Ruru Madrid, screenplay ni Acy Ramos at sa direksiyon ni Ice Idanan under APT Entertainment at Cignal TV titled Cara X Jagger.
Dating magkasintahan sina Cara (Jasmine) at Jagger (Ruru) na susubukin ang tatag ng damdamin dahil habang hindi maka-move on ang una at pilit kinakalimutan ang masakit na pangyayaring sumira sa relasyon nila ay wala namang maalala sa kanilang nakaraan si Jagger dulot ng isang aksidente.
Mapapanood kung paano nila malalagpasan ang kanilang sitwasyon at kung magkakabalikan pa ba sila o tuluyan nang magkakalayo.
Bagamat umani na ng awards sa kanyang mahusay na pagganap sa indie films, naghintay ng pitong taon si Jasmine para maging bida sa mainstream movie.
Mas una siyang nakilala sa international film festivals dahil sa kanyang critically acclaimed na pagganap sa 2013 indie smash hit na Transit.
Nagsimula sa industriya noong noong 2010 at nagbida na siya sa indies na Dementia, Bonifacio:Ang Unang Pangulo, Baka Bukas, at Maledicto.Worth the wait para sa kanya ang Cara X Jagger.
“It’s a very different kind of love story,” kuwento ni Jasmine.
“Character-centric ang Cara X Jagger at kahit na kakaiba ang conflict nina Cara at Jagger, their story still represents what love is all about which is loving someone unconditionally and moving on kahit na gaano ka-painful ang relationship.”
Unforgettable para sa kanya ang experience sa shooting ng Cara X Jagger.“We have worked so hard to make Cara X Jagger an unforgettable movie. I am humbled and inspired by our team at ready na ako sa pag-promote ng pelikulang ito. Sana lahat suportahan ang love story nina Cara at Jagger.”Isa sa busiest actresses ngayon si Jasmine. Napapanood siya daily sa seryeng Pamilya Roces ng GMA-7 at kasali rin sa bigating ensemble cast ng inaabangang Pinoy version ng hit koreanovelang Descendants of the Sun. Sa November 6 ang playdate ng Cara X Jagger.
-DINDO M. BALARES