NAGAWANG mapabagsak ni Filipino challenger Edward Heno ang karibal sa third-round, ngunit banderang-kapos ang kampanya niyang maagaw ang World Boxing Organization (WBO) light-flyweight championship kay Elwin Soto ng Mexico nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Indio, California.

Heno

Heno

Sa kanyang unang title-defense sa WBO 108-lbs. title, natikman ni Soto ang eight-count ni referee Jerry Cantu matapos tamaan ng solid right hook ni Heno.

Sa kabila ng pagkahilo, nagawang maibalik ng Mexican ang wisyo ang nakaganti ng mga suntok sa Pinoy challenger sa fourth round at sa mga sumunod na eksena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matikas na nakipagpalitan ng bigwas si Heno, subalit nakabawi ng todo si Soto sa huling dalawang round para makuha ang panalo sa iskor na 115-112 at dalawang 114-113.

Nahila ni Soto ang record sa 16-1, tampok ang 11 KOs, habang nadungisan ang dating malinis na marka ni Heno sa ika-15 career fights.

“If only Edward stepped on the gas in the final two rounds, he could have won it,” pahayag ni Sean Gibbons, kanang kamay ni Manny Pacquiao at pangulo ng MP Promotion.

-Nick Giongco