UMAAPAW ang kumpiyansa kay Eduard “Landslide” Folayang para sa nalalapit na duwelo kay Amarsanaa “Separ’ Tsogookhuu sa Nobyembre 8 sa ONE: Masters of Fate sa MOA Arena.

Folayang

Folayang

Impresibo sa kanyang huling laban si Tsogookhuu sa ONE:Clash of Legends, ngunit walang dapat ipagamba ang sambayanan sa kahandaan ni Folayangh laban sa Mongolian rival.

“Amarsanaa Tsogookhuu was able to showcase his skills with Shannon [Wiratchai] in his debut match,” pahayag ni Folayang.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“He is really good on his feet and his striking can knock me out if it connects, however he has problems when he is put under pressure. There are some things that we saw which we can use to my advantage, I will leave it at that.”

Higit na mas malalim ang karanasan ni Folayang sa international scene at hindi nagkulang ang pamosong Team Lakay sa paggabay at paghahanda sa tropa ng Pinoy mixed martial arts star.

Ayon sa pamosong anak ng Baguio City, higit ang determinasyon niya sa tuwing ang laban ay sinasaksihan ng kanyang mga kababayan.

“In my head, this match will be in my favor in every aspect,” sambit ni Folayang.

“That does not mean I am underestimating Amarsanaa, I simply believe that the results of my preparations will allow me to dominate him. I have my team, my friends, my fans, and the rest of the Philippines cheering and depending on me. I will not let them down.”

Bukod kay Folayang, sasabak din sa fight card ang mga kababayan na sina dating ONE Flyweight World Champion Geje Eustaquio kontra CWFC Bantamweight World Champion Toni Tauru, habang nasa main event si ONE Strawweight World Champion Joshua Pacio kontra sa kababayan at Wushu World Champion Rene Catalan.