ISASAGAWA ng Community Volleyball Association (CVA), pinakabagong grassroots sports development sa volleyball, ang tatlong pre-season games sa kanilang 18-undeer tournament ngayon sa General Trias Sports Center.

IBINIDA ni California Academy president Dr. Obet Vital (ikalawa mula sa kanan) ang programa ng eskwelahan sa pagsabak sa Community Volleyball Association, habang nakikinig sina (mula sa kanan) tournament director Alvin Tanada, California coach Steph Choco at mga opisyal ng Mabalacat Tribe team.

Anim na koponan, sa pangunguna ng Gracel Christian College Foundation at St. Mark’s Institute-LAs Pinas, ang magsasagupa sa isang araw na torneo na inorganisa ni CVA founder Carlo Maceda.

Haharapin ng Gracel Christian ang host team Gen. Trias sa tampok na laro ganap na 3:15 ng hapon., habang magtutuos ang St. Mark at California School-Antipolo ganap na 1:15 p.m. Magtutuos sa unang laro ganap na 11:30 ng umaga ang Baguio City at Stalwart.

Pangangasiwaan ang torneo ni tournament director Alvin Tanada.

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!