NASUNGKIT ni Samantha Kyle Catantan ang kanyang unang gintong medalya sa pagsabak nito sa Asian U23 Fencing Championships noong huwebes ng gabi na ginanap sa Bangkok, Thailand.Ito ay kinumpirma ng 17-anyos na si Catantan sa pamamgitan ng kanyang post sa kanyang social media account.
“My first Asian individual gold medal,” ayon sa kanyang Facebook post.
“Masayang- masaya po ako. Para pong nasa heaven ang feeling ko,” pahayag ni Catantan.
Nagreyna si Catantan sa Women’s individual foil kontra sa pambato ng South Korea na si Choi Yu Min sa 15-9 panalo sa final round.
Bago ito ay dinomina din ng Siklab awardee na si Catantan semifinal round kung saan ay nanig siya kontra sa pamabato ng Japan na si Choi Minseo sa 15-14 panalo.
Bago ang nasabing tagumpay, ay kinilala na rin bilang Most Valuable Player si Catantan sa Universities Athletics Association of the Philippines (UAAP) sa junior’s division para sa University of East (UE) Warrior, ung saan siya nag-aaral.
Samantala, nag-uwi na rin ng silver medal si Catantan buhat sa pagsabak nito 2017 SEA Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
-Annie Abad