RETURN of investment.

NEW CHAMP! Patuloy ang matikas na kampanya ng Pinoy athletes sa international stage bago ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre at tapik sa balikat sa paghahanda ng Philippine Team ang tagumpay ni fencer Samantha Kyle Catantan sa Women’s Individual Foil event ng 2019 Asian Under 23 Fencing Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand.  (PSC PHOTO)

NEW CHAMP! Patuloy ang matikas na kampanya ng Pinoy athletes sa international stage bago ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre at tapik sa balikat sa paghahanda ng Philippine Team ang tagumpay ni fencer Samantha Kyle Catantan sa Women’s Individual Foil event ng 2019 Asian Under 23 Fencing Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand.
(PSC PHOTO)

Naghihintay ang sambayanan ng tagumpay ng atleta sa international stage upang matapatan ang buwis na kanilang naging bahagi sa pagsasanay at paghahanda ng mahigit 1,000 atleta sa Philippine Team.

Ngunit, para kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, hindi kailangan na puwersahin na magtagumpay ang atletang Pinoy na sasabak sa 30th Southeast Asian Games (SEA) na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Naniniwala si Ramirez na alam ng mga atleta ang kanilang responsibilidad at bawat isa’y nagsasakripisyo para mabigyan ng karangalan ang bansa.

“The government through the PSC spent 1 billion pesos for the training and foreign exposure of our athletes at bilang PSC chairman at Chef de Mission ng Philippine delegation sa SEAG, we are looking forward for the return of investments. Pero kung mag-overall champion tayo or No.2 that’s fine. Huwag na nating i-pressure ang mga bata. Alam na nila kung mananalo sila o hindi. Matagal na silang sumasali sa mga kompetisyon at alam na nila ‘yan,” pahayag ni Ramirez.

Aniya, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay walang binanggit na kailangan makuha ang overall championship, ngunit iginiit nito na ibigay sa atleta ang lahat ng suporta at pangangailangan.

“Of course sino ba naman ang ayaw na maging overall sa SEA Games. Siyempre ‘yun ang goal, but the Presidents said noong nagkaroon ng mga leadership problems, na huwag idamay ang mga atleta, ilayo sila sa problema at mag-concentrate sa training,” ayon kay Ramirez, Chairman din ng PSC nang makamit ng bansa ang overall championship noong 2005.

“Sabi ni Presidente sa akin, alagaan mo, pakainin ng tama at suportahan ang mga atleta. Basta maging secured ang hosting,” aniya.

Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng PSC ang magaganap na PEP Rally sa Nobyembre 13 na gagawin sa bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum na sa ayuda ng PAGCOR na nagkaloob ng P842 milyon at muling nagbalik sa dating ningning at world-class na pasilidad.

“Iimbitahin natin si Presidente at Senator Bong Go, pati na sina Executive secretary Medialdea, House Speaker Cayetano, ang Phisgoc, ang POC at lahat ng Gabinete. Of course iinbitahin din natin sina Lydia de Vega, Akiko Thompson, Eric Buhain, Onyok Velasco pati si Leopoldo Serrantes na nasa ospital ngayon at iba pa, to inspire our athletes bago sila sumabak sa SEA Games,” pahayag ni Ramirez.

Ang nasabing PEP rally pagkilala sa mga atletang Pinoy na sasabak sa biennial meet upang bigyan ng inspirasyon ang mga ito sa pammagitan ng pagbibigay ng isang gabi ng salu-salo at upang mahikayat sila na lumakas ang loob sa pagsabak sa nasabing kompetisyon.

“Nakaka-inspire kasi bago mga PEP rally ‘yung limang atleta na sina Ej Obiena our first Olympic qualifier, tapos si Petecio na may isa pang qualifying game tapos si Yulo na first Filipino to win a gold medal sa World Championships sa gymnastics at marami pang iba. May Margielyn Didal pa tayo sa skateboaridng, may Kyomi Watanabe sa judo, tapos si Saso pa sa golf. Ako malakas ang paniniwala ko na magdedeliver ang mga bata, hindi lang natin mapredict kung sila ay mag number one o number two. I know they can do it,” pahayag ni Ramirez.

-Annie Abad