ILALATAG ng Community Basketball Association (CBA) ang ikalawang Season sa gagawing pagdayo sa Mabalacat, Pampanga sa Oktubre 27.

IBINIDA ng mga opisyal at miyembro ng Community Basketball Association at Community Volleyball Association ang bubuksang season ng liga ngayon taon sa TOPS ‘Usapang Sports’.

IBINIDA ng mga opisyal at miyembro ng Community Basketball Association at Community Volleyball Association ang bubuksang season ng liga ngayon taon sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Nakalinya para sa opening tip-in ang duwelo ng Palayan, Nueva Ecija vs Manila at host Mabalacat vs Rizaba na kaagad na sisimulan ganap na 1:00 ng tangahlo sa Bren Z. Guiao Sports Complex.

“Handang-handa na ang lahat. Ang buong bayan ng Mabalacat ay naghihintay na sa pagbubukas ng CBA 2nd season,” pahayag ni Books Fabello ng Mabalacat sa ginanap na “Usapang Sports” ng Tabloids Organization on Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Bilang punong-abala, umaasa kami na magiging kapana-panabik ang unang pagdalaw ng CBA sa Mabalacat,” ayon kay Fabello, kumatawan kay Mayor Cris Garbo.

Ang 51-anyos na si Garbo ay bahagi ng Mabalacat line-up – ang pinakabagong koponan sa North Division ng premyadong community-based basketball league.

“Mahal talaga ni Mayor Garbo ang basketball kaya gusto nya makasama at lumaro sa team,” paglalahad pa ni Fabello, na sinamahan ni assistant coach Jordan Siray sa weekly forum na sinusuportahan din ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Dumalo din sa forum sina San Miguel-Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag at kanyang mga players, CBA president Carlo Maceda at ang California School-Antipolo, na pinakabagong miyembro ng Community Volleyball Association.

Mga Laro sa Linggo

(Bren Z. Guiao Sports Complex)

1:00 n.t. -- Palayan vs Manila

3:00 n.h. -- Mabalacat vs RIZABA