“NABUDOL ako!” birong sabi ni Regine Velasquez sa ginanap na presscon ng Cinema One Original.

REGINE

“But I’m very happy to be part of this festival and it’s my first time and I’m also happy to be with amongst actors, because I’d never really considered myself an actor ‘coz I’m more of a dancer. I’m the best as a matter of fact. Kaya mahirap ilagay ang sarili ko sa magagaling na artista ngayon but I’m very honored to be here,” pahayag ni Regine.

Siya ang lead star ng pelikulang Yours Truly Shirley na namatayan ng asawa at nalungkot hanggang sa nakapanood siya ng singer na malaki ang agwat sa edad niya na hinangaan niya ng husto hanggang sa nagkakilala sila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Fan girl ako, comedy na may konting drama,”paglalarawan sa karakter na Shirley.

Bago nagsimula ang presscon ng Cinema One Originals ay natanong ang mga artistang dumalo sa presscon kung hindi sila threatened kay Regine dahil nga first time nitong sumali sa festival.

Halos lahat ay flattered dahil may Regine Velasquez movie sa Cinema One Originals kaya ini-welcome nila si Songbird.

Hindi nakadalo sa presscon si Cherie Gil na bida sa Tia Madre kasama si Jana Agoncillo na sinasabing mahigpit na makakalaban ni Regine sa Best Actress category. Hiningan ang huli tungkol dito kung sa tingin niya ay siya ang mag-uuwi ng tropeo sa awards night.

“Hindi ko alam na may labanan pala? Hindi naman ako na-inform,” tumawang sabi ni Regine.

Dagdag pa, “Like I said, I’m just very happy to be here na mapabilang sa magagaling na artista natin, wala akong expectation plus kung ihahambing mo naman ‘yung role ko sa role ni Ms Cherie Gil, parang kinanta niya ‘yung What Kind of Fool Am I tapos kinanta ko Urong-Sulong (tawanan ang lahat) ganu’n ang basehan.”

Mabigat kasi ang pelikulang Tia Madre nina Cherie at Jana na base sa trailer ay disturbed at bayolente ang role ng batikang aktres na tinatakot ang anak na sampung taong gulang.

Pero para sa bagong direktor ng Yours Truly Shirley na si Nigel Santos ay para na siyang nanalo ng award sa pagpayad ni Regine Velasquez na maging bida sa debut film niya.

“Suntok sa buwan po, try lang baka lang, e, pumayag kaya sobrang saya po naming lahat at ang sarap niyang ka-trabaho,” say ng baguhang direktora.

Kasama rin sa cast ng Yours Truly Shirley sina Dennis Padilla at Rayt Carreron na may premiere night sa Nobyembre 10, 9:45PM sa Trinoma. Ang Cinema One Originals Film Festival ay simula Nobyembre 7 - 17.

-Reggee Bonoan