MATAGAL nagpahinga si Direk Mac Alejandre sa filmmaking. Just One Summer (2012) at Ang Panday (2011) ni Richard Gutierrez ang dalawang huli sa maraming idinirehe niya bago siya naging busy sa pagiging head ng talent development and management nang tangkain ni Manny V.

Pangilinan na palakasin ang TV5.Pero he’s back with a vengeance, wika nga. Dahil sa kanyang pagbabalik, tatlong pelikula agad ang tapos na niya at nakahanda na for showing.

Unang ipapalabas sa mga sinehan sa November 13 ang The Annulment na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Joem Bascon under Regal Entertainment.

Indie ang isa pang pang pelikula niya titled Kaputol, bida sina Cherie Gil at Alfred Vargas, at ang mainstream na Tagpuan na pinangungunahan naman nina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Katulong ni Direk Mac sina Easy Ferrer at Onay Sales sa pagsusulat ng screenplay ng The Annulment, love story ng isang young couple na bagamat mahal na mahal ang isa’t isa ay namimingit sa paghihiwalay. Gumaganap si Joem bilang si Sherwin at si Gari naman si Lovi.

Gusto uling maging malaya at maligaya ni Gari sa paghingi ng annulment kay Sherwin na gagawin naman ang lahat upang mapanatiling buo ang pagsasama nila.

“Na-in love sila nang husto sa isa’t isa, pero nang ikasal at nagsasama na sila, pumasok na ang reality at nalaman na hindi para sila magkakasundo sa maraming bagay,” kuwento ni Direk Mac sa one-on-one interview ko sa kanya.

Interesado siyang maipakita ang pagkakaiba ng commitment sa kasal ng kasalukuyang henerasyon at ng mga nagdaang henerasyon nang walang panghuhusga. Paksa sa pelikula kung gaano katibay na commitment ang kailangan para manatiling buo ang pagsasama.

“May mga kakilala ako na nagloko ang lalaki, nagkaroon ng anak sa iba, at nang mamatay ang nanay ng bata, kinuha at inalagaan ng wife ang bata,” salaysay ni Direk Mac.

“Nang tanungin namin ang wife kung paano niya napatawad ang husband niya, ang sagot lang sa amin, ‘Mahal ko!’ Of course, imposible ito sa younger couple.”Sa pelikula niya, ano ang dahilan ng annulment na hinihingi ng character ni Lovi sa asawa?

“Her happiness,” mabilis na sagot ni Direk Mac.Bilang young couple, kailangang may love scenes sina Lovi at Joem na hindi naging problema sa shooting. Very cooperative ang kanyang mga bida saanman niya ituro, sa kama, sa shower at maging sa sahig.

Kuntento siya sa mahusay na pagganap nina Lovi at Joem.

“They totally capture the happiness as well as the pain of a young couple who experiences the ups and downs of a failed marriage,” kuwento pa niya.Co-stars nina Lovi at Joem sa The Annulment sina Laurah Lehmann, Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore with Johnny Revilla at Ana Abad Santos.

-DINDO M. BALARES