NGAYONG araw na mapapanood ang pelilkulang You Have Arrived sa iWant handog ng Rein Entertainment at Cinebro Films ng ABS-CBN Films na pagbibidahan nina Barbie Imperial, Arielle Roces, Teejay Marquez at Elisse Joson na idinirek ni Shugo Praico.

YOU HAVE ARRIVED cast

Ang “You Have Arrived” ay tungkol sa tatlong babaeng magkakaibigan na pawang social media influencers at para makakuha ng maraming likes at subscribers ay dumalo sila sa isang party na ikapapahamak pala nila.

“It’s not just a party, it’s cover-up for something, evil something bad na kailangan nilang pagdaanan the whole night at doon masusukat ang friendship nila, doon mas makikilala ang character and that journey would put them to a test para lumabas ‘yung tunay nilang pagkatao na malayo sa pagkakakilala sa kanila bilang funny at bubbly social media influencers,” ito ang kuwento ni direk Shugo.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Karakter ni Teejay ay magkaibigan sila ni Barbie na ayaw niyang ikuwento dahil baka ma-preempt ani ng binata.

Si Arielle ay si Flow, friends sila ni Barbie. Bubbly, approachable pero lagi silang magkaaway ni Elisse dahil competitive sila sa isa’t isa.

Arianne naman ang karakter ni Elisse na go getter, achiever at gusto laging siya ang number one sa lahat ng bagay at lider-lideran sa magkakaibigan.

At si Barbie ay si Dani na peacemaker dahil nga laging nag-aaway sina Arielle at Elisse.

May fight scenes ang pelikula kaya dumanas sa rigid training ang tatlong aktres na nagkaroon pa ng pasa at okay lang dahil masarap sa pakiramdam na naipasa nila at nagamit nila sa matitinding eksena.

Sabi nga ni Elisse, “it’s very exciting kasi first time naming gagawa ng ganitong klaseng proyekto, about friendship and drama and the current situation na nararanasan ng lahat sa social media, gustong maging influencer kaya maraming makaka-relate.”

“Ako naman po, nu’ng pinitch ang story sobrang na excite ako kasi malayo sa mga nagawa ko na at that time, I’m doing Taiwan That You Love (palabas sa iWant) na sobrang pa-sweet lang, dito sa You have Arrived, it’s about friendship tapos puro action pa,” saad ni Barbie.

Say naman ni Arielle na pinakabago sa tatlo sa showbiz, “it’s about friendship and how do you really measure friendship, about revenge, thrill, social media.”

Naniniwala baa ng tatlong girls na kapag laman sila ng social media ay ‘you have arrived’ or sikat na.

“Well kung pinag-uusapan ka talaga sa social media na trending, sikat ka na talaga or isang post lang at maraming likes, meaning kilala ka na. Kung bina-bash ka, ibig sabihin sikat ka, but it doesn’t mean na forever kasi one particular topic lang naman ang pinag-uusapan,” paniniwala ni Barbie.

Ayon naman kay Elisse, “kanya-kanya ‘yan whether celebrity or non-showbiz person ay may isyu ang bawa’t isa, may kanya-kanyang spotlight. Like may ginawa kang positive, napag-uusapan ka, pag negative naman, ganu’n din pag-uusapan ka. Puwedeng sabihing sikat ka nga.”

“Kung nasa spotlight ka man, siguro I would base about the content, kung mabuti ang ginawa mo, if you’re a good influence or may isyu ka because you did something wrong, I would base it on that if you really have arrived or not yet,” katwiran naman ni Arielle.

At si Teejay, “sabi nila good or bad publicity, still a publicity. Well kung mag-trending man ako, hoping in a good way. Minsan kasi kahit maganda ang ginawa mo may mga taong hindi masaya, sabi nga, you can’t please everyone. Siguro ‘yung content na lang na feeling mo maganda ‘yung influence mo. Kung may 8 out 10 people kang napasaya, doon ka mag focus sa positive side.”

-REGGEE BONOAN